Dimples Romana, labis ang kilig matapos masilayan at makapagpa-picture sa South Korean Superstar na si Song Joong Ki

Hindi lamang kilala ang mga Pinoy sa pagiging matulungin at mapagmahal sa kapwa, kundi kilala rin sa pagiging mahilig sa mga Korean stars at Korean Drama na talaga namang sinusubaybayan ng marami sa atin.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Tunay ngang sa kabila ng pagkakaiba sa kultura at lenggwahe ay hindi maitatanggi na pagdating sa kanilang mga teleserye at pelikula ay nakukuha agad ang kiliti at panlasa ng mga Pilipino.

Magmula sa kanilang mga naggagandahan at naggagwapuhang katangian at husay sa pag-arte, ay talaga nga namang marami ang nahuhumaling.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Maging ang mga kilalang personalidad sa showbiz tulad na lamang ng Kapamilya actress na si Dimples Romana, ay hindi rin nagpahuli sa pagiging ‘fan girl’ matapos ibahagi ang kaniyang “kilig moments” sa isang kilalang Korean actor.

Sa kaniyang pagpunta sa 50th International Emmy Awards na ginanap sa New York City, ay dito masayang ibinahagi ng aktres ang nakakakilig na tagpo nila ng kaniyang hinahangaan na South Korean superstar at Vincenzo actor na si Song Joong Ki.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Ito nga ang bagay na ibinahagi ni Dimples sa kaniyang Instagram account kalakip ang kaniyang litrato habang nasa kaniyang tabi ang Korean actor na si Song Joong Ki.

Paglalahad ng aktres, “Many of my dreams came true with that NYC trip for the #iEmmys and I can’t wait to share them all with you, but for now, let me share this.”’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Tunay ngang dream come true para kay Dimples na makadaupang palad sa isang prestihiyosong event ang actor at makapagpa-picture pa dito ng personal.

Ayon sa aktres, “Hi Mr @hi_songjoongki It was such a pleasure and huge honor to meet a fellow actor like you. I am a huge fan. We Filipinos LOVE youuuu”.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“P.s. he was super warm, Grabe so handsome in person lalo and super humble.” dagdag pa niya.

Isa si Song Joong Ki sa pinakasikat na aktor sa industriya ng South Korea na nakilala sa mga seryeng Descendants of the Sun (2016), Arthdal Chronicles (2019) at Vincenzo (2021), gayundin sa mga pelikulang A Werewolf Boy (2012), The Battleship Island (2017) at Space Sweepers (2021).

Bilang isang aktres tulad ni Dimples, pangarap din niyang makatrabaho ang aktor pagdating ng panahon.




Credit: @dimplesromana on Instagram

“Manifesting that in this lifetime I get to work and act alongside him LORD PLEASE“.

Komento ni Ogie Diaz, “Hala! Ang daya mo naman, mare! Sana dinamihan mo naman ang kuha. Ayaw ni @super_janice ng ganyan. Super gelli de belen yon sa yo, hahaha!”

“DEEMFOOOOOOOLS!!! Omaygaaaaaddddd si song joong kiiiiiii!!! Waaaaahhh!!!!! So happy for you!!! At EMMYS PA PALAAAAA!!! Mabuti ka kasing tao kaya blessed ka at lab kita!” saad naman ni Mega Star Sharon Cuneta.

The post Dimples Romana, labis ang kilig matapos masilayan at makapagpa-picture sa South Korean Superstar na si Song Joong Ki appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments