Meryll Soriano, nagpakitang gilas sa pagsasayaw kasama ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano

Sa tuwing maririnig pa lamang ang mga naggagandahang musika at tugtugan na talagang patok na patok ngayon sa TikTok world, ay tiyak na mapapasayaw ka rin.


Credit: @merylsoriano_ on TikTok

Tunay ngang walang pinipiling edad ang nais bigyang kaligayahan ng video app na TikTok, dahil hindi lamang ito para sa mga kabataan, sa mga tito at tita, ay pwedeng-pwede rin ito maging kina lola at lola.

Maging ang mga iniidolong artista sa mundo ng showbiz ay naging libangan na rin ang pagsayaw at nakigaya sa mga nauusong challenge sa TikTok na kung saan ay kanilang ipinamalas ang kanilang nakamamanghang dance moves.


Credit: @merylsoriano_ on TikTok

At isa na nga sa mga hindi nagpahuli upang magbigay saya at aliw sa TikTok ay ang beteranang aktres na kinilala ng marami bilang si Diamond Star Maricel Soriano.

Kasama ang kaniyang pamangkin, na anak ni Willie Revillame sa kaniyang kapatid na si Bec-Bec Soriano na si Meryl Soriano, ay nakisabay rin pagdating sa sayawan at proud na ipinakita ang kanilang dance video.

@meryllsoriano_ This Sunday! Subscribe YT: Meryll Soriano #DearMamaMeme #DearMamaMary #diamondstar #maricelsoriano #shakebodybodydancer ♬ original sound – Barry ALLEN 🇵🇭 – Barry ALLEN🇵🇭TBPH CLO.


Good vibes nga ang naging hatid ng mag-Tita sa kanilang mga tagahanga matapos mag-viral ang kanilang TikTok video na ibinahagi ni Meryl sa publiko.

Sa video ay makikita na parehong naka itim na kasuotan ang dalawa habang sabay na nakikisabay sa ganda ng musika at sinasayaw ang pinasikat na sayawan ni Maricel noong 1980’s ang ‘Shake Body Body dancer’ na kinanta ng Magic Fire.


Credit: @merylsoriano_ on TikTok

Tunay ngang lumipas man ang panahon ngunit hindi pa rin kumukupas ang husay at galing ng Diamond Star pagdating sa sayawan, kaya naman marami sa mga netizens ang muling nanumbalik at nagkaroon ng nostalgic feeling.

“The original and my idol ever since diamond star Maricel Soriano”.




Credit: @merylsoriano_ on TikTok

“wow I remember n isayaw ko Yan bata p ako kinder 😊🤗❤😘”.

“wahhhh namiss ko mapanuod si inay sumayaw uliiii☺galing nyopooooo😍😍😍😍”.


Credit: @merylsoriano_ on TikTok

“Matik tlga tung tugtog nato pag nadinig mo si Maricel S. maiisip mo e🥰”.

“galing galing talaga ng idol ko Ms Maricel Soriano da best ka talaga😊

The post Meryll Soriano, nagpakitang gilas sa pagsasayaw kasama ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments