Angeline Quinto, ipinasilip ang bagong bahay na kanyang nilipatan sa pagsisimula ng pagbuo ng kanyang sariling pamilya

Mababakas ang labis na kaligayahan ngayon ng singer-actress na si Angeline Quinto, para sa panibagong yugto na kanyang kakaharapin bilang soon-to-be mom ng kanyang baby boy.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At sa panibagong journey na ito kay Angge ay tila ito na rin ang bagong simula para sa kanya upang bumuo ng sariling pamilya, kung kaya’t nagpasya na rin siyang iwanan ang kanyang dream house at piniling manirahan na sa isang town house.

Sa latest vlog na mapapanood sa YouTube channel ni Angge, ay kanyang isinama ang kanyang mga tagasubaybay sa bahay na kanilang nilipatan.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Bago pa man ang desisyong paglipat at paglisan ni Angge sa dream house nila ng kanyang Mama Bob, ay inamin niyang hindi naging madali at matagal niyang pinag-isipang ang desisyong lumipat ng tirahan.

Aniya, “Matagal ‘to, kumbaga hindi naman siya isang gabi lang na naging desisyon sa’kin na lilipat na ‘ko. Ang dami pang pinagdaaanan, ang dami kong pinagdasal.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Dahil sa lungk0t na nadarama ni Angeline sa tuwing masisilayan ang kanilang dream house ni Mama Bob, ang nag-udyok sa kanya upang tuluyan ng iwanan ang minsang bumuo ng kanilang masasayang ala-ala kasama ang ina.

Ayon kay Angge, “Ako honestly, talagang nalulungk0t ako na umalis doon sa naging dream house namin ng Mama Bob. Kasi after ko na magkaroon ng trabaho sa ABS-CBN ng regular, ‘yun yung kauna-unahang bahay na nai-regalo ko kay Mama.”




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Ngayong nawala ang Mama ko, siyempre parang ang hirap-hirap po na everyday gigising ka ‘dun sa bahay na nakikita mo bawat sulok nung bahay yung memories namin together.” Dagdag pa niya.

At sa bagong yugto ng buhay ni Angge ay nais niyang manirahan sa isang tahanan na sapat lang para sa kaniyang bubuuing pamilya. Isang tahanan na hindi man gaano kalakihan, ngunit komportableng bahay na bubuo ng isang masasayang ala-ala.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa loob ng kanilang town house, ay makikita agad ang kagandahan ng lugar at ang sapat na espasyo na isa sa mga ninais ng singer.

Bubungad naman sayo ang kanilang living room, na siyang makikita ang kanilang sofa na sinamahan pa ng isang flat TV screen sa harapang bahagi nito.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kalapit naman ng kanilang living room ay ang kanilang kitchen area na ayon kay Angge ay nalalapit na rin ang magiging renovation nito.

Pagdating sa ikalawang palapag ng kaniyang tahanan, ay sasalubong naman ang altar at ang mga kwarto na makikita mula rito tulad na lamang ang music room at nursery room.

Sa ikatlong bahagi naman ng kaniyang town house ay dito naman makikita ang picture frame ni Mama Bob, at ang dressing-makeup room, pati na rin ang kanyang master’s bedroom.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa bagong buhay at bahay na kakaharapin ni Angge, ay tiyak na mapupuno ang bahay na ito ng masasayang ala-ala lalo ngayon na siya ay isa ng ganap na ina.

The post Angeline Quinto, ipinasilip ang bagong bahay na kanyang nilipatan sa pagsisimula ng pagbuo ng kanyang sariling pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments