Bela Padilla, nag-iwan ng isang nakakakilig at taos-pusong mensahe para sa 2nd anniversary nila ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay

Kung ang February 22, 2022 ay tinaguriang ‘Palindrome Day’ dahil sa pagiging “exceptional date” nito sa nagdaang dekada, ay tila kung gaano nga ka-espesyal ang araw ngayon na ‘Twosday’ ay maituturing rin naman na unforgettable date ito para sa Kapamilya actress na si Bela Padilla.


Credit: @bela on Instagram

Dahil ang araw lang naman na ito ay siya ring petsa na kung saan ay nakamit ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay ang matamis na “Oo” ni Bela upang maging kasintahan nito dalawang taon na ang nakakaraan.


Credit: @bela on Instagram

Tila ang desisyon ni Bela na manirahan sa London, United Kingdom ay ang nagdala sa aktres sa kanyang tahimik at napakasayang buhay sa ibang bansa kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

At sa panibagong yugto na ito sa buhay ng aktres, ay hindi naman nakalimutan ni Bela na i-update ang kanyang mga fans at tagasubaybay sa kanyang masayang buhay doon.


Credit: @bela on Instagram

Kaya naman kasabay ang masayang buhay ng aktres sa London ay isa rin sa mga ibinabahagi niya sa kanyang social media account, ay ang ilan sa mga sweet memories at adventures kasama ang kanyang boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


At sa mabilis nga na paglipas ng panahon, ay sino ang mag-aakala na ang dalawa ay masayang nagdiriwang ngayon ng kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan.

Kalakip ang masasaya at puno ng pagmamahal na litrato nina Bela at Norman sa beach, ay isa namang nakakakilig at taos pusong mensahe ang ipinaabot ng aktres sa kanyang “travel buddy”.




Credit: @bela on Instagram

Aniya, “Happy second anniversary my travel buddy, fellow foodie, Billie Eilish album reviewer, master of plants (specifically chillies and citrus plants) and to the person who would still hang out with me even if there was a man park where men randomly talk about Marvel You make my days brighter! Also how cool is it that our second anniversary is on 2.22.2022?!”

Hindi naman maitago ng mga kaibigan ni Bela sa showbiz ang labis na tuwa at saya para sa masayang love life ngayon ng kanilang kaibigan.


Credit: @bela on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang pagbati at komento ay sina Kim Chiu, Dani Barretto, Angelica Panganiban. At ang mga kilalang personalidad sa showbiz na sina Sarah Lahbati, Mariel Padilla, Iza Calzado at marami pang iba.

The post Bela Padilla, nag-iwan ng isang nakakakilig at taos-pusong mensahe para sa 2nd anniversary nila ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments