Anak ni Ina Raymundo na si Jakob, hindi lamang taglay ang angking kagwapuhan kundi isa ring mahusay na baseball player

Sa kanyang taglay na kagandahan at kahanga-hangang kas3ksihan ay hindi maikakaila na ang aktres at celebrity mom na si Ina Raymundo, ang isa lang naman sa mga tinitingala at pinapant@sya ng karamihan mapa babae man o kalalakihan.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Kaya naman ang kanyang asawang si Brian Poturnak ang siyang ma-swerteng bumihag sa kanyang puso, at kalaunan nga ay silang dalawa ay nabiyayaan ng mga gwapo at magagandang anak na sina Erika-Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika at Minka.

Wala ring duda na sa taglay na kagandahan ni Ina at kagwapuhan ng kanyang asawa, ay namana ng kanilang mga anak ang pagkakaroon ng magagandang mukha.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

At isa na nga sa mga patunay nito ay ang gwapo at nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawa na si Jakob. Sa kanyang Instagram post, ay makikitang ibinahagi ni Ina ang picture nila ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Kapansin-pansin ang taglay na kagwapuhan at katangkaran nito, na ayon pa sa aktres, “The upside to having a tall son, he looks like my “Kuya””.

At maliban pa rito ay ibinahagi rin ni Ina ang baby picture ni Jakob na kung saan ay muling inalala ng aktres ang mga panahon na tinatawag pa lang niya itong “little munchkin”.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Aniya, “But on a serious note, where did my little munchkin go? #myonlysonshine #JakPot”

Tila hindi lamang nakuha kay Ina ang natural na kagwapuhan nito, kundi ang pagiging talented at edukado ay namana rin sa kanyang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Sa katunayan, ang proud mom na si Ina ay hindi napigilang matuwa sa bagong journey ng kanyang anak. At ito nga ay dahil si Jakob ay isa nang official college baseball player sa United States.

Nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2021, ay ibinahagi ni Ina sa kanyang Instagram ang magandang balita, na natanggap na nga bilang D1 college baseball player si Jakob sa Xavier University sa Cincinnati, Ohio.




Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Sa kanyang caption ay makikita ang pagiging proud ng celebrity mom sa kanyang anak, “After many years of hard work and dedication to baseball, my son is now officially a Xavier Musketeer. To be playing D1 college baseball is one of the best achievements in your life, Jakob. We are so proud of you. But of course, this wouldn’t be possible without the 101% support you get from your dad.”


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Dagdag pa niya, “I’ve witnessed the best teamwork between the two of you, that also includes Coach Alex, thank you. Laking pasasalamat ni Ina, “Thank you Lord, for orchestrating all these blessings. #xubase #xaviermusketeers #athleticscholarships #LetsgoX #JakPot #fatherandson”

The post Anak ni Ina Raymundo na si Jakob, hindi lamang taglay ang angking kagwapuhan kundi isa ring mahusay na baseball player appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments