Soon-to-be Mommy Angeline Quinto, proud na ipinasilip ang litrato kasama ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon

Maituturing na “blessing in disguise” ang tuwa at sayang nararamdaman ngayon ng singer-actress na si Angeline Quinto, na sa kabila man ng pagkawala ng kanyang Mama Bob ay siya namang pagdating ng panibagong biyaya sa kanyang buhay at ito ay ang kanyang baby boy.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Matapos ngang tuluyang ihayag ni Angge sa publiko ang kanyang pagbubuntis sa baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, ay naging palaisipan sa publiko kung sino ng aba ang ama ng kanyang pinagbubuntis.

Matatandaan na sa mga nakalipas na panayam ni Angeline, ay inamin niyang non-showbiz ang nagpapasaya sa kanya ngayon.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman ngayon ay matapang at proud na ipinakilala na ng singer sa publiko ang itsura ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis at ang lalaking bumihag sa kanyang puso.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa ibinahaging video ni Angge sa kanyang latest vlog, ay makikitang bago maganap ang munting pasilip sa mukha ng kanyang non-showbiz boyfriend, ay isa namang nakakatuwa at exciting game na “Who knows Angeline Better” ang ginawa ng singer kasama ang kanyang glam team.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ilan sa mga katanungan na sinagot ng team ni Angge ay kung sino ang kanyang favorite singer, na agad naman nilang sinagot ito na si Regine Velasquez ang kanyang paborito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


At kung tatanungin naman kung ano ang pinaka-ayaw na ugali, ginagawa sa kanya at amoy ni Angge sa isang tao, ay agad naman nilang sinagot ito na ang binab@tukan, bida-bida at mabaho ang hininga.

Maliban sa pagkanta, isa naman sa kinahihiligan ni Angge ay ang pagluluto na siyang nagbibigay kasiyahan sa kanya maliban ang pagdating ng kanyang baby boy na nasa sinapupunan nito.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kung ang pag-uusapan naman ay ang greatest fear ng singer, isa na marahil ang pagkawala ni Mama Bob na agad rin naman niyang sinang-ayunan.

Samantala, sa hulihang bahagi naman ng kanyang video ay dito na ipinakilala ni Angge ang kanyang non-showbiz boyfriend kasabay ang munting pasilip sa kanyang maternity sh0ot.

Makikitang parehas na nakasuot ng itim na kasuotan si Angge at ang kanyang hindi pinangalanang non-showbiz boyfriend, at makikita rin ang munting paghalik nito sa noo ng singer.

Sa magandang balita na ibinahagi ni Angeline sa publiko, ay marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang komento at pagbati kay Angge.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ilan sa mga ito ay sina Luis Manzano, Geneva Cruz, K Brosas, Francine Diaz, Jessy Mendiola, Bayani Agbayani, at marami pang iba.

Nakatakdang isilang ni Angeline ang kanyang first baby sa April 2022.

The post Soon-to-be Mommy Angeline Quinto, proud na ipinasilip ang litrato kasama ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments