Kaye Abad, masayang ibinahagi ang simpleng selebrasyon ng binyag ng kaniyang bunsong anak na si Baby Iñigo

Ang binyag ay itinuturing na sakramento ng Krisiyanismo, na kung saan ito ay isinasagawa bilang ritwal sa paglalahad ng relihiyon na sumusunod sa mensahe ni Jesus.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Tunay nga na ang pagbibinyag sa isang sanggol ay napakahalaga, dahil ayon umano sa paniniwala ng nakararami lalo na ng mga Kristiyano, ito ay isang sakramento na kung saan ang siyang nagdadala sa bawat tao sa banal na buhay na naglilinis ng ating mga kasalanan.

Mayroon rin namang ibang relihiyon na ang pagsasagawa ng naturang binyag ay ginagawa kapag ang isang tao ay tumungtong na sa hustong edad.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Ngunit sa kabila man ng pagkakaiba ng ating paniniwala, ay hindi maitatanggi na ang bawat magulang na nagkakaroon ng supling ay talaga namang dumaraan sa ganitong proseso.

Halimbawa na lamang niyan ay ang celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo, na kamakailan lamang ay kanilang pinabinyagan na ang bunsong anak nila na si Baby Iñigo.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Nito lamang Sabado, ika-12 ng Pebrero ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Kaye ang kanilang family picture na kuha mismo sa naturang binyag ng kaniyang bunsong anak.

Makikita sa kanilang masayang larawan na lahat sila ay nakasuot ng kulay puting kasuotan at face mask bilang pag-iingat pa rin sa kumakalat na v!rus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Sa IG story naman ni Kaye ay kaniyang ibinahagi ang ilan sa mga litrato na kuha mismo sa binyag ni Baby Iñigo, na siyang dinaluhan ng ilan sa kanilang mga kakilala at mga kaibigan.

Samantala, marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbahagi ng kanilang mensahe at pagbati para sa naging binyag ng anak nina Kaye at Paul Jake.




Credit: @kaye_abad on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang pagbati at komento ay sina Mariel Rodriguez-Padilla, Nikki Valdez, Liz Uy, Melai Cantiveros-Francisco, Kryz Uy-Young, at Donna Cruz.

Kabilang na rin dito ang iniwang pagbati ng mga netizens at tagahanga ng kanilang pamilya.


Credit: @kaye_abad on Instagram

“Congrats iñigo! Welcome to the christian world ❤❤❤

“Aaaww.. Welcome to the Christian world Iñigo! 🥰


Credit: @kaye_abad on Instagram

“Ang porma naman ng Kuya Joaquin ☺ ♥ GOD Bless Your Beautiful Family 🙏 ♥”.

“Welcome to the Christian world, Baby Inigo! ❤

The post Kaye Abad, masayang ibinahagi ang simpleng selebrasyon ng binyag ng kaniyang bunsong anak na si Baby Iñigo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments