Jake Ejercito, ibinahagi ang espesyal na pinaka unang dive experience kasama ang anak na si Ellie

Talaga nga namang napakasarap sa pakiramdam ang magbakasyon at mamasyal sa mga magagandang lugar kasama ang mga mahal sa buhay. Kaya naman para sa ilang mga kilalang celebrities ngayon, ang ma-explore ang naggagandahang lugar at bahay bakasyunan ay isa lang naman sa napakasayang karanasan para sa kanila.


Credit: @unoemilio on Instagram

Tunay ngang iba ang hatid na saya kapag mayroong kasamang travel buddies kahit pa ang ilan ay bahagi na ito ng kanilang trabaho. Ngunit hindi maikakaila na ang pagbuo ng maganda at masasayang ala-ala ang hindi kailanman mabubura sa kanilang mga isipan.

Kaya naman ang aktor na si Jake Ejercito ay hindi na pinalagpas pa ang pagkakataon na makasama ang kaniyang unica hija na si Ellie sa kanilang masaya at exciting beach adventure ng magkasama.


Credit: @unoemilio on Instagram

Nito lamang Huwebes, ika-18 ng Pebrero ay ibinahagi ni Jake ang ilan sa kanilang mga larawan ni Ellie na magkasamang in-eenjoy ang underwater experience, isama pa ang kanilang munting pagsilip sa mga clown fishes, at ang panonood ng sunset.

Maliban sa kanilang masayang pagbabakasyon ay tila napaka-memorable din ang araw na ito para sa aktor, lalo pa’t ito rin ang unang beses na kanyang nasubukan ang diving.


Credit: @unoemilio on Instagram

At dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na mararanasan ito ni Jake, ay hindi naman nag-atubili ang kanyang anak na si Ellie para siya ay samahan sa pagda-dive.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Ayon pa sa iniwang caption ng aktor sa kanyang nasabing post, “Wish we had a better underwater cam, but it was awesome to be with Ellie on my first ever dive. Looking forward to the next one already”.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at nagbigay ng kanilang mga komento at pinuri ang taglay na kagandahan ni Ellie sa murang edad pa lamang nito.


Credit: @unoemilio on Instagram

“Apakagandang bata ni ellie look a like si marta and lola laarnie nya😍😍😍

“Nice one at the very last shot, Ellie😍 you’re so cuuute! ❤

“Nakakatuwa..nakaka inspire ang mag amang ito😍😍”.




Credit: @unoemilio on Instagram

Samantala, hindi naman napigilan ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang pagiging proud sa anak, nang ibahagi niya ang ilang litrato nito na kuha mismo sa unang diving experience ni Ellie sa dagat.

Matatandaang sumailalim noon si Ellie sa bubble make class na ginawa lamang nila ng kanyang instructor sa pool na ngayon ay nasubukan na rin niya sa dagat.


Credit: @unoemilio on Instagram

“That’s my girl! Ellie took a bubble maker class with @jonahveridiano at @solitude.acacia. She got to try it out at the pool the first day, and went out into the ocean on the next! She was so brave,”

The post Jake Ejercito, ibinahagi ang espesyal na pinaka unang dive experience kasama ang anak na si Ellie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments