Judy Ann Santos, ibinahagi ang kanyang pag-akyat ng puno upang magkabit ng mga dekorasyon

“Kung kayang gawin ng lalaki, kaya din ng babae” madalas nating marinig ang kasabihang ito hindi lamang sa mga isyung panlipunan, kundi maging sa personal na buhay partikular ang usapin pagdating sa mga gawaing bahay.


Credit: @officialjuday on Instagram

Tunay ngang pagdating sa mga pisikal na gawain ay hindi hamak na mas malakas ang mga kalalakihan. Ngunit, hindi rin naman maitatanggi na marami rin naman sa mga kababaihan na kaya ring makisabay pagdating sa palakasan, at pagtanggap sa mga tungkulin na siyang ginagawa rin ng mga kalalakihan.

At isa sa nga sa nagpatunay sa kasabihang ito ay ang beteranang aktres at celebrity mom na si Judy Ann “Juday” Santos-Agoncillo, na kung saan ay pinatunayan niyang hindi lamang siya basta isang babae kundi isang kababaihan na walang kinikilingan at inaatrasan.


Credit: @officialjuday on Instagram

Nito lamang Miyerkules, ika-16 ng Pebrero ay isang nakakamangha at buwis buhay video ang ibinahagi ni Juday sa kanyang social media account, na siyang labis na nagpabilib sa kanyang mga tagahanga.

Sa video ay makikitang matapang na inakyat ng aktres ang isang mataas na puno, hindi para pumitas ng bunga nito kundi upang ikabit ang kanilang mga chimes.


Credit: @officialjuday on Instagram

Kapansin-pansin na tila hindi man lang nahirapan si Juday sa kanyang pag-akyat at pagtawid sa bawat sanga nito, na tila kahit sino ay mapapa-wow sa kanyang ipinakitang katapangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


At Kalakip nga ng kaniyang caption na, “Once a climber, always a climber.. at least hindi social climber? thank you tito @odysseyflores for capturing my “buwis buhay pag kabit ng chimes” moment. #bakawan”

Dahil dito ay marami naman sa mga Netizens ang namangha at muling inalala ang dating teleserye na pinagbidahan noon ni Judy Ann ang “Ula: Ang Batang Gubat”, na kung saan ay ipinakita rin ng ‘Queen of Pinoy Soap Opera’ ang kanyang natatanging lakas noong kanyang kabataan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


“Alala ko tuloy si Ula, ang batang gubat 😍

👏👏Another ‘ula’ moment 😁




Credit: @officialjuday on Instagram

“Ms juday, naalala ko tuloy yung series mo na “Ula batang gubat” 😂

“Ang galing galing nman mag climb ni MS. Judy Ann. 👏👏👏😍😍😍


Credit: @officialjuday on Instagram

“Awww. Love seeing this side of you ate Juday. Nakakamiss umakyat ng puno. Haha! ❤😊

The post Judy Ann Santos, ibinahagi ang kanyang pag-akyat ng puno upang magkabit ng mga dekorasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments