Mon Confiado, ipinasilip ang mga van na kanyang nagamit sa loob ng 23 na taon habang nasa mundo ng showbiz

Kapag sinabi nating tahanan, una agad pumapasok sa isipan ng karamihan ay isang kayarian or istruktura na binubuo ng mga kasangkapan at mga taong naninirahan.


Credit: @monconfiado on Instagram

Ngunit para sa ilan, ang tirahan ay hindi lamang nakabase sa liit o laki ng lugar o bilang ng kasapi at kasangkapan, dahil ang tirahan para sa kanila ay isang damdamin na nagbibigay ng tuwa, saya, kapahingahan at kapayapaan.

Maaaring magkakaiba man ang ating pagpapakahulugan sa tahanan, ito pa rin ang magsisilbing lugar na kung saan ay malaya nating naipapakita ang ating tunay na kasarinlan.


Credit: @monconfiado on Instagram

Tulad na lamang ang mahusay na aktor na si Mon Confiado na kung saan ay nagsilbing tahanan para sa kaniya ang mga sasakyan tulad ng van.

Aniya, “I love Vans. Home is where my van is.”


Credit: @monconfiado on Instagram

Si Mon ay kinilala pagdating sa pagiging mahusay na aktor matapos niyang gampanan ang mga roles bilang isang kontrabida mapa pelikula man o teleserye.

Tunay ngang nakakabilib ang kaniyang ginagampanang karakter, dahil kahit ang bawat manonood ay talagang naibibigay ang samu’t-saring emosyon pag siya na ang nasilayan.


Credit: @monconfiado on Instagram

Ganunpaman, hindi naman maitatanggi na siya man ay kontrabida sa kanyang trabaho na ginagampanan ay tila taliwas naman ito sa kaniyang ipinapakitang karakter pagdating sa personal na buhay.

Ayon sa aktor, “The actor’s job is to bring a scripted character to life. But an actor’s personal life is different from the characters they portray.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mon Confiado (@monconfiado)


At sino nga ang mag-aakala na sa kabila ng ilang taong pagta-trabaho ni Mon sa industriya ng showbiz, ay halos 23 taon na rin pala siyang isang vanlifer.


Credit: @monconfiado on Instagram

Ibinahagi ni Mon sa kaniyang Instagram account ang ilan sa kaniyang mga lumang litrato, na kung saan ay makikita ang iba’t-ibang klase ng van na kaniyang nasakyan na.




Credit: @monconfiado on Instagram

Tila maliban sa kaniyang sariling tahanan ay itinuturing rin ni Mon ang mga sasakyang tulad nito bilang kanyang ‘home’.

Pagbabahagi niya, “I’ve been a Vanlifer for 23 years because of my kind of work. It’s more than just a vehicle, it’s my home. In the end it’s not the miles that count, but the memories made along the way.”


Credit: @monconfiado on Instagram

Tunay ngang hindi lamang pag-arte ang kinahihiligan ni Mon, kundi maging ang pagpunta sa mga lugar at makabuo ng isang magandang ala-ala ang siyang nagbibigay inspirasyon sa kaniya upang magpatuloy pa.

The post Mon Confiado, ipinasilip ang mga van na kanyang nagamit sa loob ng 23 na taon habang nasa mundo ng showbiz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments