Bea Alonzo at Dominic Roque, ibinahagi kung paano sila unang nagkakilala at kung paano nag-umpisa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan

Sa pagpasok nga ng buwan ng Pebrero na siyang itinuturing na “Love Month”, ito lang naman ay isa sa mga espesyal na araw para sa mga magkasintahan at mag-asawa upang pasayahin ang kanilang minamahal.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

At paniguradong sa mismong araw ng mga puso, ang ika-14 ng Pebrero ay marami na naman ang makakatanggap ng regalo at tsokolate, isama na rin ang pagdagsa ng mga tao sa parke at mall upang mag-date.

Ngunit maliban sa mag-asawa at magkasintahan ay marami rin naman sa mga ‘single’ ngayon ang mapapa sana all na naman sa social media, at mas pipiliing mai-celebrate pa rin ang espesyal na araw na ito kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ngunit wala pa man ang araw ng mga puso ay naghatid na naman ng panibagong kilig ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque, ng kanilang ibahagi sa latest vlog ang kanilang nakakakilig na love story.

Aniya, “So, eto na nga, we are going to share with you our love story just because it’s Valentine’s. May naidamay pa kaming witness. Masaya ‘to, kilig lang.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Una umanong nagkakilala sina Bea at Dominic noong taong 2016, at sa pamamagitan nga ng komedyante at Unkabogable star na si Vice Ganda ay dito nalaman ni Bea na may crush si Dominic sa kanya noon pa man.

Paglalahad ni Dom, “2016 kasama ko si Vice sa CS. Kasi sinabi ko sa kanya na pakilala niya ako sa iyo.” Paglilinaw niya, “Cru$h kita! Pero wala namang ano that time, expectations.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“Ang tingin ko sa kaniya noon nung una kaming nagkakilala sa CS, sinabi pa ni Vice ‘nun, ‘Uy! Cru$h na cru$h ka nitong alaga ko.’”

“So, mas iniisip ko nun na talagang parang he is way younger than his actual age – so back then iniisip ko na parang 7 years or 8 years older ako than him, kaya ang tingin ko sa kanya parang bagets.”




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

At kung tatanungin naman kung kailan ang first date nilang dalawa, ay mapapansin naman ang panaka-nakang panunukso ni Dominic sa kasintahan na ayon sa kanya ay inakit siya umano nito.

Panimulang kwento ni Bea, “Hindi naman talaga sya meant as a date, parang casual date. Kasi galing ako sa wedding ng friend ko sa Tagaytay, I was the maid of honor – tapos feeling ko ang panget ng damit ko tsaka parang ngarag day na ‘ko.”

Dagdag naman ni Dominic, “Sinesendan nya ko ng mga videos niya.”

Pang-aasar niya, “Inaakit ako, so inakit niya ulit ako nung gabi. Sinuot niya yung parang nighties.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Depensa naman ni Bea, “Ang kapal ng mukha mo hindi, satin or silk na parang sleep dress kasi ‘yun [tapos ‘yun lang] ang available dun sa car ko.”

Tila kahit sino ay talaga namang kikiligin sa kanilang nakakakilig na love story. Kaya naman ang buong kwento sa kanilang matamis na pag-iibigan ay mapapan0od sa mismong YouTube channel ni Bea.

The post Bea Alonzo at Dominic Roque, ibinahagi kung paano sila unang nagkakilala at kung paano nag-umpisa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments