Chesca Garcia at Doug Kramer, sinubukang alamin kung sino nga ba talaga ang mas kamukha ng kanilang anak na si Kendra sa pamamagitan ng cellphone

Tunay ngang hindi maikakaila na taglay ng panganay ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia na si Kendra, ang kahanga-hangang kagandahan na kanyang namana sa kanyang mga magulang.


Credit: @dougkramer on Instagram

Dahil ang kanilang anak na si Kendra ay isa lang naman sa mga kilalang celebrity kids, na talagang nagpatunay na sa kanyang murang edad pa lamang na 12 taong gulang, ay taglay na niya ang nakakabighaning ganda na animo’y isang ganap ng dalaga.

At sa kanyang natatanging ganda na mala beauty queen ika nga ng madla, ay marami ang nagsasabing young version daw ni Chesca ang kaniyang anak.


Credit: @dougkramer on Instagram

Dahil bukod sa unti-unting nagiging fashionista na rin tulad ng kanyang Mama Chesca si Kendra, ay hindi naman maitatangging ang magandang mukha nito ay namana sa kanyang mga magulang.

Kaya naman ang tanong ng publiko, “Sino nga ba ang tunay na kamukha ni Kendra mula kina Doug at Chesca?”


Credit: @dougkramer on Instagram

Ito ay binigyang kasagutan ni Doug sa pamamagitan ng isang unclock phone face recognition, na kung saan ay kanyang sinubukan kung kanino nga ba sa mukha nila ng kanyang asawa magbubukas ang cellphone ni Kendra.

“Sino ba sa tingin niyo ang kamukha ni Kendra? Me or her?”


Credit: @dougkramer on Instagram

Sa kalagitnaan nga ng kanilang masayang family vacation ngayon sa Boracay, ay naisipan ni Doug na kuhanin ang phone ni Kendra at i-unlock ito base sa kung kanino nga ba sa mukha nila ni Chesca magbubukas ang naturang phone ng kanilang anak.

Aniya, “We have Kendra’s phone and she’s on face unlock, so it’s only unlocked her face.”


Credit: @dougkramer on Instagram

Dagdag pa niya, “So, the real test is will it unlocked on my face or that face [Chesca’s face]”.

At bago nga simulan ang pag-unlock sa phone ni Kendra ay makikita naman ang munting asaran ng mag-asawa, na siyang kapansin-pansin na hindi magpapatalo ang isa sa kanila.

Pang-aasar ni Doug sa asawa, “Are you ready to feel bad?”




Credit: @dougkramer on Instagram

At ng sinimulan nga ang pag-unlock ay tila hindi gumana sa face ni Chesca, ngunit ng iharap naman ni Doug ang kanyang mukha sa screen ay kusang nag-unlock ito na ang ibig sabihin ay si Doug nga ang kamukha ni Kendra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Ayon kay Chesca, “Kendra I’m so sorry if you look like Papa – there’s many more years pa to look like me.”

Dahil dito ay kapansin-pansin ang labis na tuwa ni Doug nang malaman na mas kamukha niya ang kanilang anak na si Kendra.

Pagbibiro pa niya, “Yehey! Kendra looks like me. She’s a half beard.”

The post Chesca Garcia at Doug Kramer, sinubukang alamin kung sino nga ba talaga ang mas kamukha ng kanilang anak na si Kendra sa pamamagitan ng cellphone appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments