Jason Francisco, ibinahagi ang surpresa na napakagandang massage chair at recliner para sa kanyang misis na si Melai Cantiveros at mga anak na sina Mela at Stela

Magmula sa umaga’t hapon na pagta-trabaho at ang araw-araw na pagbi-biyahe makapasok lamang sa opisina at paaralan, ay isa lang naman sa bahagi na rin talaga ng buhay ng bawat isa.

Kung kaya naman sa kabila ng h!rap at pagod na nadarama sa buong maghapon na nakatayo, nakaupo at kaharap ang bawat dokumento at kapwa manggawa, ay tila kahit sino ay magnanais na makapag-relax at makapagpahinga panandalian.

At kung ang pag-uusapan lang rin naman ay relaxation at masarap na masahe, ay tila unang papasok sa isipan ng bawat isa ay ang pagpunta sa mga spa.

Ngunit kung wala namang sapat na oras upang magpunta sa mga spa, ang massage chair ang siyang perfect para sayo.

Kaya naman ang komedyante at aktor na si Jason Francisco, ay isa lang naman sa mga butihing ama at asawa na ang pangunahing inaalala ay ang kapahingahan ng kanyang asawa na si Melai Cantiveros na isang TV host.

At sa kabila nga ng kanilang busy schedule ni Melai, ay isang sorpresang massage chair ang binili ni Jason para sa kanyang pamilya.

Sa video na ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang YT channel, ay makikitang nagawa pang magbiro ni Melai ng kanyang sabihin na parang business class airplane raw ang pakiramdam, dahil sa kulay at disenyo nito na aakalaing ikaw ay nakasakay talaga sa totoong eroplano.

Biro niya, “Andito kami sa may business class na airplane, kaya kung mapapansin niyo talagang ang sarap ng business class.”

Dagdag pa niya, “Ganoon ang feeling niyo guys kapag nakaupo kayo sa ganito na massage chair.”



At nang tanungin ni Melai ang kanyang asawa kung bakit dalawa ang binili nitong massage chair, ay agad naman itong sinagot ni Jason at sinabing, “para ‘di na tayo mag-hintayan, kasi nga mas maganda sabay lagi.”

Ayon kay Melai ay hindi niya lubos maisip na darating ang pagkakataon na ito na sila ay magkakaroon ng sariling massage chair.

Aniya, “Hindi ako makapaniwala na magkakaroon tayo ng ganito, akala ko sa panaginip lang.”

Samantala, para naman sa kanilang mga anak na sina Mela at Stela ay bumili rin ng isang pink recliner si Jason para sa magkapatid.

“This is so crazy and cool.” ang siya namang naging komento ni Mela nang subukan nila ng kanyang kapatid ang sorpresang recliner.

Sa tulong ng massage chair na ito ay tila maibibigay nito ang kaginhawaan na hinahanap ng sino man, sa kabila ng pagod na nararamdaman sa buong maghapon na pagta-trabaho.

The post Jason Francisco, ibinahagi ang surpresa na napakagandang massage chair at recliner para sa kanyang misis na si Melai Cantiveros at mga anak na sina Mela at Stela appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments