Coleen Garcia, ibinahagi ang walang tigil na halakhak ng napakacute nyang anak na si Amari habang nilalaro ang kanyang laruan

Sa kaniyang taglay na kakyutan at bibong personality ay sino ba naman ang hindi maaaliw sa panganay na anak ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari.


Credit: @coleen on Instagram

Sa pagdating nga ni Baby Amari sa kanilang pamilya, ay mas lalong napuno ng saya ang loob ng kanilang tahanan. Kung kaya naman ay hindi maitatanggi ang pagiging proud parents nina Coleen at Billy sa bawat litrato at videos na kanilang ibinabahagi sa social media.

Kung ang hatid ni Baby Amari ay tuwa at saya sa mag-asawa, ay tila ganoon rin naman ang hatid nito sa kanilang mga tagahanga, lalo pa ngayon na habang lumalaki si Baby Amari ay makikita na ang taglay nitong kakyutan at bibong personality.


Credit: @coleen on Instagram

At nito lamang Martes, ika-7 ng Pebrero ay muling ibinida ng aktres na si Coleen ang isang napakacute na video ni Baby Amari, na kung saan ay masisilayan ang maamo at inosente nitong mukha.


Credit: @coleen on Instagram

Sa video na ito ay kapansin-pansin na masayang naglalaro ng isang ball run toy si Baby Amari, ngunit tila hindi naman ito ang nakapukaw pansin sa mata at pandinig ng mga Netizens kundi ang nakakahawa at napakacute nitong bungisngis habang naglalaro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“Just Amari laughing for two minutes while we’re over here decluttering (hence the mess)” ganito nga ang iniwang caption ni Coleen sa nakakatuwang video ng kanyang anak, na masayang nag-eenjoy sa kanyang laruan habang maririnig ang cute na cute na pagtawa nito sa buong video.




Credit: @coleen on Instagram

Dahil dito ay marami naman sa mga netizens ang hindi rin napigilan na panggigilan ang napakacute na si Amari, na ayon pa sa kanilang mga iniwang komento ay talaga namang nakakahawa ang pagtawa nito.

“Oh my !. Me too, nadala sa Tawa nia. Happy Pogi Amari😍🥰❤❤❤😂😂😂


Credit: @coleen on Instagram

“Priceless video. Very lucky parents to have a baby like Amari ❤❤❤

“Nakakahawa naman ang tawa na yan amari😍😍😍 cute…”


Credit: @coleen on Instagram

“Ang cute mong bata ka nakakagigil hehe❤❤❤Sarap ng tawa e”.

“Oh myyyyy sooo cuteee!!!! missing youuuu my loveeee!!! 💙💙💙🤗🤗🤗

The post Coleen Garcia, ibinahagi ang walang tigil na halakhak ng napakacute nyang anak na si Amari habang nilalaro ang kanyang laruan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments