Angeline Quinto, ibinahagi ang mga bagong kaganapan sa kanyang pagbubuntis sa kanyang magiging baby boy

Walang pagsidlan ng tuwa ang singer-actress at soon-to-be mom na si Angeline Quinto, matapos niyang ianunsiyo ang magiging gender ng kaniyang 1st baby.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Matatandaang naganap ang anunsiyo at magandang balita na ito sa vlog ng komedyante at TV host na si Vice Ganda, matapos niyang sorpresahin ng isang gender reveal party si Angeline.

Naganap ang naturang sorpresa na ito sa mismong tahanan ni Vice, na kung saan ay inakala ni Angeline na simpleng birthday dinner lamang ang inihanda nito para sa kanya.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagbabahagi ni Angge, “Ngayon si Ate Vice, mayroon siyang surprise dinner para sa birthday ko. Actually, nasabi niya sa akin yung birthday dinner na ‘yan, e hindi ko naman alam na kinausap na din pala ni Ate Vice yung team ko, at nagplano siya ng isang surprise gender reveal party para sa akin.”

Ang planong gender reveal ni Angeline ay dapat gaganapin umano sa katatapos lamang niya na concert, kasama ang ilan sa mga mahuhusay rin na singer na sina KZ Tandingan, Kyla, at Yeng Constantino.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “sa totoo lang po ang gender reveal na ‘yan ay dapat gagawin po sa concert ko sa Metropolitan theater.”

Ngunit dahil na-delay umano ang resulta ng kanyang isinagawang test upang malaman ang gender ng kanyang baby, ay hindi ito natuloy.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Dagdag pa niya, “kaya lang dahil nga nagpa-test po ako para malaman ang gender ng baby ko, supposedly lalabas ang result nya Friday. At nag taping ako ng Sabado, so in-eexpect ko na nung Saturday na ‘yun, mashe-share ko na ‘dun kung ano ang gender ng baby.”

Ganunpaman, ay marami naman ang natuwa at na-excite para kay Angge ng sa wakas ay naibahagi na niya na “It’s a Boy” ang gender ng kanyang baby.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Isa na nga sa labis na natuwa at hindi lubos inakala ang kaniyang pagbubuntis ay ang ina ni Vice na si Nanay Rosario, na siyang tumayo na ring parang ina kay Angeline.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Mensahe nito para kay Angge, “Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala, pero happy ako para kay Angge kasi para kong anak ‘to. I wish she will give me a chance na samahan ko siya sa kanyang journey, at sana maging malusog yung baby, maging masaya siya. I hope the baby will be happy because he will be surrounded by us.”

Samantala, makikita naman ang labis na tuwa kay Angeline ng marinig at makita nito sa unang pagkakataon ang heartbeat at itsura ng kanyang anak sa ultrasound.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “Dahil dito sa 3rd ultrasound na ‘to, dito ko po unang narinig yung heartbeat ni baby at mismong si baby na po ang nag-reveal kung ano ang gender niya.”

The post Angeline Quinto, ibinahagi ang mga bagong kaganapan sa kanyang pagbubuntis sa kanyang magiging baby boy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments