Neri Naig, ibinahagi ang kanilang napakagandang yate na kanyang iniregalo mismo para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Chito Miranda

Pagdating sa usaping sipag, tiyaga at tamang diskarte sa pagnenegosyo, tiyak na ang mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda ang isa sa mga magpapatunay nito.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Kilala ng lahat na ang maybahay ni Chito na si Neri ay isa lang naman sa mga masisipag at madiskarteng misis pagdating sa pagnenegosyo.

Kaya naman hindi kataka-taka na ang pagiging madiskarte sa pera ay isa sa kaniyang forte.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Kaya naman ngayon sa pagdiriwang ng kaarawan ni Chito, ay isang munting sorpresa ang ibinigay ni Neri para sa kanyang asawa.

At sino ang mag-aakala na ang munting sorpresa na ito ay isa lang namang yate.


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Nito lamang Lunes, ika-7 ng Pebrero ay nagbahagi ng larawan si Neri sa kanyang Instagram na kung saan ay kaniyang ipinakita ang loob at labas nito.

Pagbati ni Neri sa kaniyang asawa, “Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!”

Dagdag pa niya, “Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!”


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Maliban pa rito ay pinangalanan rin nila Neri at Chito ang naipundar na Yate bilang “Margarita”, na ayon mismo sa kaniya ay ito raw ang magiging pangalan ng kanilang anak kung ito ay naging babae.

“Anong name ng yate? Syempre, “Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!”




Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Tila sa sorpresang ito ni Neri sa kanyang asawa ay hindi maikakaila na siya nga ang tinaguriang ‘Wais misis’, dahil plano rin umano nilang parentahan ang nabiling yate sa publiko.

Ayon kay Neri, “Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!”


Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

“Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko.” patuloy niya.

Samantala, marami naman sa mga Netizens ang labis na natuwa at nagbigay ng kanilang pagbati para kaarawan ni Chito at suporta para sa bagong biyayang dumating sa buhay ng mag-asawa.

The post Neri Naig, ibinahagi ang kanilang napakagandang yate na kanyang iniregalo mismo para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Chito Miranda appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments