Lyca Gairanod, nagbigay ng espesyal na surpresa para sa ika-87 taong kaarawan ng kanyang lola

Sa kanyang ipinamalas na husay at galing sa pag-awit, ay hindi nakapagtataka kung siya ang itinanghal na Grand winner sa kauna-unahang season ng The Voice Kids.


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Tila ang natatanging talento ni Lyca Gairanod ang naging daan para sa kanya, upang tuparin ang bawat pangarap ng kaniyang pamilya at maiahon ang mga ito mula sa kah!rapan.

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na lumaki sa h!rap ang young star, kaya naman ang bawat tagumpay na kaniyang nakakamit ay kaniyang iniaalay sa kanyang pamilya.


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Ngunit maliban sa kanyang pagpupursige sa buhay ay muli namang pinatunayan ni Lyca ang kaniyang pagiging isang mabuti at mapagmahal na apo sa kanyang Lola.

Madalas ibahagi ng singer sa kanyang mga vlog ang bawat kaganapan sa kaniyang buhay, maging ang pagiging malapit nito sa kaniyang Lola.


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

At dahil nga lumaki si Lyca sa piling ng kanyang Lola, ay hindi maikakaila ang labis na pagmamahal nito para sa kanya.

Kaya ngayon sa ika-87 na taong kaarawan nito, ay isang munting sorpresa ang siyang inihanda ni Lyca para sa kanya. Sa kanyang latest vlog ay ipinasilip ng young singer ang kaniyang pagbisita sa dating bahay na kanilang tinirhan noon ng kaniyang pamilya na siya na ngayon tahanan na ng kaniyang Lola.




Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

At upang mai-celebrate nga ang espesyal na araw na ito ay isang simpleng handaan ang ginawa ni Lyca, na kung saan ay nakisaya rin ang ilan sa malalapit nilang mga kaibigan at kapitbahay.

At kung tatanungin naman kung ano ang tanging kahilingan ng kanyang Lola sa kaarawan nito, ay ito ang makapag-asawa na raw si Lyca upang maabutan pa niya ang kaniyang magiging apo mula rito.


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Aniya, “Mag-asawa ka, maabutan ko pa ang apo ko.”

Samantala, isang nakakaantig at taos pusong mensahe at pasasalamat naman ang inilahad ni Lyca para sa kaarawan ng kanyang Lola.

Ayon sa kaniya, “Mahal na mahal kita, isa ka sa mga inspirasyon ko kung bakit nandito ako, kung bakit nagagawa ko lahat ng mga pangarap ko sa buhay, kung bakit natupad ko lahat ng mga pangarap ko. Isa ka dun sa mga motivation at inspirasyon ko, Lola.”


Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel

Dagdag pa niya, “Salamat Lola kasi hindi mo ko pinabayaan, at sa time na hindi mo ko pinabayaan, kami naman yung hindi ka namin papabayaan.”

The post Lyca Gairanod, nagbigay ng espesyal na surpresa para sa ika-87 taong kaarawan ng kanyang lola appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments