Gwen Zamora, masayang-masaya sa piniling buhay sa Probinsya kasama ang asawang si David Semerad at kanilang anak na si Cooper

Kung dati rati ay ating napapanood sa GMA network na Bubble Gang ang napakagandang aktres na si Gwen Zamora, na tila ngayon ay buhay pamilya at probinsya life na ang pinagkakaabalahan ng aktres.


Credit: @gwenzamora on Instagram

Kapiling ang kanyang asawang si David Semerad at kanilang anak na si Cooper, ay tila wala namang pinagsisihan si Gwen ng lisanin lisanin niya ang mundo ng showbiz at piliing mamuhay ng simple at tahimik malayo sa siyudad na kanyang kinagisnan.

Dahil kaakibat ng kanyang paninirahan sa probinsya ay talaga namang makikita kung gaano kasaya at kakulay ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya.


Credit: @gwenzamora on Instagram

At ngayon nga, ay masayang-masaya si Gwen na ibahagi sa publiko ang bawat kaganapan sa kanilang probinsya life kasama ang asawang basketball player na si David at anak na si Cooper.

Magmula sa kanilang paninirahan sa ipinatayong modern bahay kubo, na tinawag rin nila bilang “Semerad Cabin” ay makikita na mula rito ang kanilang kagustuhang mamalagi na sa probinsya.


Credit: @gwenzamora on Instagram

Sino ba naman nga kasi ang hindi magugustuhan ang manirahan sa tahimik at payapang lugar, isama pa ang sariwa at malinis na hangin na malalanghap sa napakaganda at luntiang tanawin na masisilayan araw-araw.

Sa naging paninirahan nina Gwen at David sa kanilang farmhouse, ay makikitang marami na rin silang pinagkakaabalahan roon, kagaya na lamang ang pagtatanim ng mga halaman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gwen Zamora Semerad (@gwenzamora)


Bukod pa diyan, ay tila hindi lamang pag-aartista, pagiging huwaran at butihing ina ang pinasok ni Gwen, kundi maging ang pagiging karpintero ay kaniya na ring sinubukan.

Sa litrato at video na kaniyang ibinahagi sa Instagram, ay makikita ang naging paglalagari nito ng kahoy magmula sa isang lumang plant box, na siyang gagamitin niya para sa kanilang magiging altar sa bahay.




Credit: @gwenzamora on Instagram

“New 2022 skill unlocked” nga para kay Gwen na ma-experience ang ganitong klaseng gawain na makatutulong upang mas mapaganda pa ang kanilang munting tahanan.

Aniya, “This doesn’t look like much but means a lot coming from me. I’m handy when there is a manual involved and all but wood cutting and drilling is a whole new ball game! I deserve a pat on the back.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gwen Zamora Semerad (@gwenzamora)


Samantala, nagbahagi rin ng isang litrato ang aktres kasama ang kaniyang asawa at anak habang sakay-sakay ng isang tricycle, na ayon sa kanyang caption ay ito raw ang kanilang magiging bagong service car sa farm.

Tunay ngang napakasarap ang mamuhay at manirahan sa probinsya, maliban sa sariwang hangin ay maaari ka din makapagtanim ng mga prutas at gulay, mag-alaga ng mga hayop, na kagaya na lamang ng ginagawa nina Gwen at David sa kanilang farm ngayon.

The post Gwen Zamora, masayang-masaya sa piniling buhay sa Probinsya kasama ang asawang si David Semerad at kanilang anak na si Cooper appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments