Anne Curtis, masayang ibinahagi ang carousel adventure ng kanyang unica hija na si Dahlia Amelie

Saksi ang publiko sa bawat masasayang kaganapan at milestone sa buhay ng napaka-cute na anak ng mahusay na aktres na si Anne Curtis at asawa nitong si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.


Credit: annecurtissmith on Instagram

Magmula ng isapubliko ni Anne ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ni Erwan, ay marami na sa kanilang mga tagahanga ang nag-abang sa magiging gender ng first baby nila.

At sa pagsapit ng ika-2 ng Marso taong 2020 ay dito na naisilang ng aktres ang kanyang napaka-cute na anak na kanilang pinangalanan bilang si Dahlia Amelie.


Credit: annecurtissmith on Instagram

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ang isang taong gulang na si Dahlia ay kamakailan lamang isinama ng kanyang mga magulang patungong Paris, France upang makapagbakasyon at masulit ang pagkakataon na sila ay magkakasama.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbakasyon sina Anne at Erwan kasama ang kanilang anak, kung kaya naman ay mas lalo nilang na-enjoy ang pagbisita sa ibat’t-ibang magagandang lugar at pasayalan sa France.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


At sa kanilang masayang bakasyon roon, ay hindi naman maitatanggi na tila hindi lamang ang mag-asawa ang nag-enjoy, kundi maging ang cute na si Dahlia ay namangha rin at labis na nasulit ang magagandang lugar na ito.

Tulad na lamang ang isang video clip na ibinahagi ni Anne nito lamang Huwebes, ika-3 ng Pebrero sa kanyang Instagram, ay makikita ang napaka-cute na si Dahlia na tila labis na in-eenjoy ang pagsakay sa carousel rides.




Credit: annecurtissmith on Instagram

Kapansin-pansin ang masasayang ngiti ni Dahlia habang nakasakay sa naturang carousel, lalo pa’t makikita na talaga namang enjoy na enjoy habang nakaupo roon.

Kung kaya naman maging ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz ay labis ring napangiti sa napaka-cute na si Dahlia, lalo pa ng ipakita nito ang kanyang malawak na ngiti sa hulihang bahagi ng video kasama ang kanyang Mommy Anne.


Credit: annecurtissmith on Instagram

Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang komento ay sina Luis Manzano, at Isabelle Daza, maging ang mga netizens ay napa-komento rin matapos masilayan ang labis na kakyutan nito.

“Her smile aaah the cutest ever! Can’t even wait to meet her also!!!!! ❤❤❤

“Sooooo cute dahlia!!! ❤😍

The post Anne Curtis, masayang ibinahagi ang carousel adventure ng kanyang unica hija na si Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments