Ivana Alawi, masayang ipinasilip ang mga natanggap na mamahalin at bonggang regalo mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan

Masayang nagdiwang ng kanyang ika-25th birthday noong araw ng kapaskuhan ang aktres at social media influencer na si Ivana Alawi noong Disyembre 25, 2021.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Tila isang masayang double celebration ang espesyal na araw na ito para kay Ivana, dahil maliban sa masayang pagdiriwang ng Pasko ay hindi rin matatawaran ang kaligayahan na kanyang naramdaman sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Matatandaang bago ang paggunita ng kanyang kaarawan ay naganap rin ang bonggang photosh0ot ng aktres, na kung saan ay talagang lumutang ang kanyang anking kas3ksihan at kagandahan sa mga naggagandahang kasuotan.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

At makalipas nga ang ilang araw matapos ang kanyang kaarawan, ay siya namang nakakalungk0t na balita ang inihatid ng aktres matapos niyang malaman na siya ay tinamaan ng C0vid gayundin ang kapatid niyang si Hashim at si Mama Alawi.

Sinubok man ang kanilang katatagan ay ngayon balik na sa normal ang kanilang malakas na pangangatawan at masasayang tawanan ng kanyang pamilya.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Kaya ngayon ay isang munting pasilip ang ibinahagi ni Ivana sa kanyang mga tagasubaybay, ng kaniyang ipasilip ang mga natanggap na mamahaling birthday gifts.

At ngayon sa kanyang latest vlog, kasama ang bunsong kapatid na si Mona ay kanilang ibinahagi ang pagbubukas ng mga regalong kanyang natanggap.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Ilan sa mga mamahaling regalo na natanggap ni Ivana ay nagmula sa kanyang mga online friends at shoppers mapa local man o international.

Ang mga regalo na natanggap niya ay ang itim na Hermes slippers, Dior make-up, swimsuit, Chanel mermaid bag, Dior passport holder, Gucci sweater dress at Balenciaga caps.




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Samantala, ay nakatanggap rin si Ivana ng mga mamahaling regalo sa kanyang mga kaibigan at labis na nagmamahal sa kanya.

Ilan nga sa mga ito ay ang Chanel earrings at Dior lipstick bag na mula sa kanyang mga stylist, vanity mirror na regalo ng kanyang editor at videographer, Hermes swimsuit na bigay naman ng sikat na professional photographer na si BJ Pascual, Chanel card holder, perfumes, jewelry at Chanel bag na mula sa Luna by Drake Dustin at ang Diptyque Paris na perfume na regalo naman ng kaniyang manager.

Samantala, nakatanggap rin ang aktres ng mga regalo magmula sa kanyang pamilya. At ito nga ay ang gawa na graham ni Mama Alawi, jar of memories naman ang siyang ibigay ng mga kapatid ni Ivana na sina Hashim, Amira at ang panghuli ay ang hoodie at jogging pants na bigay naman ni Mona.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa kabila ng mga regalong natanggap ni Ivana ay nag-uumapaw naman sa tuwa at saya ang kanyang puso, sa pagbibigay ng pasasalamat sa lahat ng mga bumati, nagregalo, at nakaalala sa espesyal niyang kaarawan.

Aniya, “Thank you sa lahat ng nagbigay ng gifts, greetings and love. Sobrang saya ko na nun, and this is a lot. Hindi niyo kailangan gumastos sa akin, kasi masaya talaga ko sa small things.”

The post Ivana Alawi, masayang ipinasilip ang mga natanggap na mamahalin at bonggang regalo mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments