Ivana Alawi, di napigilan ang sarili na maiyak dahil sa kabaitan na ipinakita sa kanya nang magpanggap siya bilang isang pulubi

Mayroong bagong pakulo ngayon ang vlogger na si Ivana Alawi. Siya ay nagpanggap na pulubi sa kanyang Pulubi Prank video sa Youtube.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Naghanda talaga si Ivana mula sa kanyang suot at make-up. Makikita mo dito na napakagusgusin talaga ni Ivana at bagong look ito sa kanyang mga vlog.

May dala-dala din siyang karatula na nanghihingi ng tul0ng para makauwi na daw siya ng Baguio. Kaya naman, tignan natin ang acting skills ni Ivana kung mayroon bang mag-aabot sa kanya.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Isa sa mga nilapitan niya ay si Kuya na nasa daan. Nag-abot siya ng dalawang piso kaya naman binigyan siya ni Ivana ng dalawang libong piso. Nabigla naman si kuya dahil di niya inasahan to.

Ang mga grupo naman ng mga volunteers sa baranagay ay nilapitan din niya. Inabutan naman siya ngayon ng bente pesos. Kaya naman, laking gulat nila nang mag-abot siya ng 20,000 pesos para sa kanya.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Ayon kay ate, hindi daw niya ito inakala pero nag-aabot kasi talaga siya ng tulong sa mga nangangailangan gaya ng mga pulubi na nangangailangan.

Napadpad naman si Ivana sa park. At dito nakita niya ang isang tindero ng mga paintings. Nagbigay siya ng 20 pesos habang si kuya na nagbebenta ng mani ay nagbigay din sa kanya.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Kaya naman, binigyan ni Ivana ng 1,000 ang tindero ng mani at 20,000 naman sa tindero ng painting. Hindi ba’t nakakamangha nga naman silang lahat.

Pero, sa lahat ng mga binigyan ni Ivana, ang huli niyang nilapitan ay si Tatay na nagtitinda ng kutsinta at puto.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Noong lumapit si Ivana, ay binigyan na niya ito ng pera na 20 pesos, at kutsinta para may baunin siya. Umupo muna si Ivana sa tabi niya at di lang ito ang binigay niya.

Dahil bibilhan pa dapat siya ni tatay ng softdrinks o tubig.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Hindi na mapigilan ni Ivana ang kanyang sarili kaya napaiyak siya dahil sa sobrang kabaitan ni Tatay.


Kaya, binigyan din siya ng 20,000 ni Ivana at laking gulat ni Tatay. Hulog ng langit para kay tatay ito dahil malaking tulong daw ito para sa kanya at para magamit nya ang bahagi nito upang makabili ng bisikleta para sa kanyang hanapbuhay.

The post Ivana Alawi, di napigilan ang sarili na maiyak dahil sa kabaitan na ipinakita sa kanya nang magpanggap siya bilang isang pulubi appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments