Andi Eigenmann, ibinahagi ang nakakatuwang pamimili ng damit ni baby Lilo habang sila ay nagwi-window shopping

Sa muling pagbabalik ng pamilyang Islanders sa Siargao ay muli mo ng masisilayan ang masayang pamumuhay sa isla ng aktres na si Andi Eigenmann, kasama ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa.


Credit: Andi Eigenmann on Instagram

At dahil ilang buwan din ng masubaybayan ang paninirahan ng Islanders sa Manila, ngayon ay atin naman tunghayan ang masaya at simpleng pamumuhay ng kanilang pamilya sa Isla ng Siargao.

Ilang Linggo pa lamang ng makauwi sina Andi ay kanilang binalikan ang masasayang bonding time na kanilang kinagisnan kasama ang mga kaibigan at kapamilya.




Credit: Happy Islanders Youtube

Sa panibagong araw sa Isla ay makikitang hindi lamang sina Andi at Philmar ang nag-enjoy sa kanilang pagbabalik, kundi ang napaka-cute na si Lilo ay tila`y hindi rin naman nagpahuli at sinulit din ang bawat oras sa Isla.

Habang kumakain ng Salvaro si Andi ay makikitang nag-enjoy din si Lilo sa pagkain nito at tila`y nagustuhan din ang lasa at sa kagustuhan nitong kunin na ang pagkain sa kaniyang Mommy.


Credit: Happy Islanders Youtube

Bago naman pumunta sa dagat ay naisipan naman nila Andi na mag window shopping at kung titignan ay imbis na ang aktres ang mag shopping, makikitang si Lilo mismo ang siyang nag-enjoy at mas nagustuhan ang mga damit na kaniyang nakita.


Credit: Happy Islanders Youtube

Sa kanilang window shopping ay suot-suot ni Lilo ang nakita nitong sombrero at pagdating naman sa pagtingin ng mga damit, imbis na pambata ang kaniyang kinuha ay mas nag-enjoy pa ito sa pagtingin ng mga swimsuits.

Matapos nito ay masaya naman ang kanilang pagpunta sa dagat kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya, habang makikitang nag-eenjoy ang iba sa paghuli ng mga alimango, ang napaka cute na si Lilo ay in-enjoy naman ang pagligo sa dagat.



Tila`y ang simple ngunit masayang pamumuhay ng Islanders ay hindi mapapalitan ang kakaibang say ana hatid nito para sa bawat isa at sa kanilang pamilya.

The post Andi Eigenmann, ibinahagi ang nakakatuwang pamimili ng damit ni baby Lilo habang sila ay nagwi-window shopping appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments