Kathryn Bernardo, ibinahagi ang mga napakagandang larawan nila ng kanyang mommy na may kasama pang matamis na mensahe

Ang aktres at tinagurian bilang Box Office Queen na si Kathryn Bernardo ay hinangaan ng karamihan dahil sa kaniyang husay at galing pagdating sa pag-arte, mapa pelikula man o teleserye ay paniguradong papatok sa takilya.

Nakilala si Kathryn ng publiko nang siya ay maging bahagi ng telerserye noong taong 2006 ang “Super Inggo” na siyang ginampanan niya ang batang si ‘Maya’, at mula doon ay nagsimula na ang kaniyang karera at unti-unting kinilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Bukod sa pagiging mahusay na artista, siya din ay mas hinangaan ng publiko dahil sa angking ganda ng kanyang mukha pati na rin ng pangangatawan na bumihag sa puso ng karamihan lalo na sa kaniyang kasintahan na isa ring aktor at kaniyang ka-loveteam din na si Daniel Padilla.

Sa kabila ng karera at magandang buhay ni Kathryn ngayon ay isang supportive Mommy ang siyang naka-alalay sa kaniya magmula pa noon hanggang ngayon.



 

Ang kaniyang Mommy Min Bernardo ang siyang umaalalay sa kaniya sa lahat ng oras at kaniyang naging sandalan noong panahon na siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Hindi maikakaila ang labis na pagmamahal nina Kathryn at Mommy Min sa isa`t-isa at sa kahit sa pagtupad ng kanilang pangarap ay sila ang magkasama.

 

Sa kanilang naging bakasyon sa El Nido, Palawan ay ibinahagi ni Kathryn ang kanilang larawan ng kaniyang ina na kung saan sila ay magkatabing nakaupo habang pinagmamasdan ang ganda ng lugar.

At sa kanilang larawang ito ay isang maikling mensahe ang ipinaabot ni Kathryn sa kaniyang ina na nagsasabing kanilang tutuparin ang mga pangarap na kanilang binuo magkasama.

“Fulfilling our dreams together. 👯♂‍”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Dahil dito ay hindi napigilan ni Mommy Min ang maging emosyonal ng mabasa ang caption na ito ni Kathryn at nag-iwan din ng isang taos-pusong mensahe para sa kaniyang bunsong anak.



“Naiyak naman ako dito😭😭😭i love you bunso gagawin lahat ni mama, para sa inyo ng mga kapatid mo.”

Talaga nga naman na ang pagmamahal ng isang ina ay hindi magbabago at mapapantayan ng kahit na anong halaga.

The post Kathryn Bernardo, ibinahagi ang mga napakagandang larawan nila ng kanyang mommy na may kasama pang matamis na mensahe appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments