Kuya Wil, ipinasilip ang kanyang helicopter na regalo nya para sa kanyang sarili upang magamit din sa pagtulong sa panahon ng kalamidad

Sa kaniyang programa ay marami ang kaniyang napapangiti at napapatawa, kaya naman ang variety show na “Wowowin” ay talaga namang minahal at patuloy na sinubaybayan ng publiko na siyang patok pa rin ngayon sa masa.

Sa kabila ng success rate ng programang ito ay hindi mawawala ang taong nagbigay inspirasyon at tumulong sa mga tao sa kabila ng h!rap ng kanilang pinagdaanan, at ito nga ang Kuya ng Masa na si Willie Revillame o mas kilala bilang si Kuya Wil.



Maliban sa kaniyang pagiging mahusay na host ng Wowowin, at kinilala sa kaniyang galing pagdating sa pag-arte noon ay hinangaan naman siya ngayon ng publiko sa kaniyang pagiging isang piloto.

Dahil ang Kuya Wil ng lahat ay isa ngang licensed pilot na Captain Willie na ngayon at kaniyang ibinahagi sa publiko ang mga larawan ng kaniyang mga helicopter, pati na rin ang regalo niya sa kaniyang sarili na isang maroon na chopper na siyang nag-viral ngayon sa social media.

Ito ay kaniyang ipinasilip sa publiko habang siya ay nagho-host ng kaniyang programa.

Ayon kay Kuya Wil, ang mga helicopter nyang ito ay nanggaling na sa iba`t-ibang lugar kasama na ang Catanduanes at ayon din umano sa kaniya ay ito raw ay pang humanitarian.

Sa kaniyang pagiging isang piloto ay hindi naman mawawala ang kaniyang number 1 supporter, ang kaniyang anak na si Meryll Soriano na siyang naging pasahero na rin nya habang pinapalipad ang kaniyang helicopter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)


Sa larawang ibinahagi ni Meryll sa kaniyang Instagram post ay makikita ang mga larawan nila ng kaniyang ama at ang ilan sa mga ito ay kuha pa mismo habang sila ay kasalukuyang nakasakay sa helicopter.

“Aye, aye, Captain!”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)


Dahil dito ay hindi naman napigilan ng anak ni Kuya Wil na maging proud sa kaniyang ama sa pagiging mahusay na piloto nito.

“So proud of you, Capt. Wil! 😍

The post Kuya Wil, ipinasilip ang kanyang helicopter na regalo nya para sa kanyang sarili upang magamit din sa pagtulong sa panahon ng kalamidad appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments