Billy Crawford at Coleen Garcia, ibinahagi ang mga nakakatuwang reaksiyon at larawan ng kanilang anak na si Amari habang nasa bakasyon

Sa nakalipas na ilang buwan simula ng pagpasok ng taon ay nasaksihan ang ilan sa mga magagandang kaganapan na nangyari sa mga celebrities, na nagbigay inspirasyon, kasiyahan at excitement sa publiko mapa kwentong pag-ibig man, kaibigan o pamilya ay paniguradong lahat ay napapasaya.


Credit: @billycrawford on Instagram

Isa na nga sa mga kwentong iyan ay patungkol sa pamilyang “The Crawfords”, na masayang ibinahagi nina Coleen Garcia at Billy Crawford sa social media ang kanilang masayang family trip sa La Union kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Mula sa kanilang masayang bakasyon ay iyong masisilayan ang ganda ng Thunderbird Resort sa La Union at ang kanilang masayang bonding moments kasama ang napaka-cute at happy baby na si Amari.




Credit: The Crawfords Youtube

At sa kanilang family trip na ito ay mas lalo pang naging espesyal lalo na kay Baby Amari, dahil ito rin ang unang beses na siya ay nakatapak sa buhangin.

Talaga namang hindi rin maikakaila ang pagiging hands-on Mommy at Daddy ni Coleen at Billy sa kanilang anak, at sinulit ang mga panahon na sila ay magkakasamang tatlo sa mga pagkakataong ito ng kanilang buhay.


Credit: @billycrawford on Instagram

Kung iyong na-miss ang munting halakhak at gigil moments ni Baby Amari ay tiyak na naman na ikaw ay matutuwa sa kaniyang munting reaksyon ng marinig ang kaniyang paboritong nursery song na “The ants go marching one by one” na lagi umanong kinakanta ni Mommy Coleen sa kaniya.

At sa tuwing matatapos na ang kanta ay hindi naman mapigilan ni Baby Amari na malungkot hanggang sa unti-unting maging emosyonal, ngunit sa tuwing ito ay kinakanta ulit nina Coleen at Billy ay tila`y ito ang nagpapatahan sa kanya.

Dahil dito ay umani rin ng papuri mula sa netizen ang kanilang natanggap matapos masaksihan din ang napaka-cute na reaksyon ni Baby Amari.

“Amari is already lovin’ Music just like his Daddy. That’s one cutie baby ❤ God bless.”

“Hahahaha how amari loves music.. hehehe technique.. don’t start singing hahahahahahahahaha or else you won’t stop hahaha.”




Credit: The Crawfords Youtube

“So cute watching you sing to baby Amari. I love when he cries everytime you guys stop singing. So adorable 😍

The post Billy Crawford at Coleen Garcia, ibinahagi ang mga nakakatuwang reaksiyon at larawan ng kanilang anak na si Amari habang nasa bakasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments