Erwan Heussaff, ipinasilip ang kanilang masayang bonding kasama ang anak at pamangkin

Ang masayang bakasyon sa Boracay ng aktres na si Anne Curtis kasama ang asawa na si Erwan Heussaff at kapatid nito na si Solenn, ay mas lalong naging espesyal ang kanilang munting bakasyon lalo na at kanilang nakasama ang kanilang napaka-cute na anak na sina Dahlia at Thylane.

Tila`y ang mag pinsan na sina Dahlia at Thylane ay labis din nag-enjoy sa kanilang munting bakasyon at sinulit ang panahon na sila ay magkasama.


Makikita sa magkahiwalay na Instagram stories nina Anne, Erwan at Solenn ang kanilang masayang bonding moments lalo na ang ang pagiging malapit ng mag-pinsan sa isa`t-isa.

Si Dahlia at Thylane ay hindi lamang mag playmates kundi sila din ay mga food buddies.
Ngunit tila`y ang dalawa ay mas lalo namang napalapit kay Erwan at mas na-enjoy ang kanilang oras na magkakasama.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Sa Instagram post ni Erwan ay makikitang nakahiga sa kaniya ang anak na si Dahlia at ang pamangkin na si Thylane, habang kapansin-pansin naman din ang magkapatong na kamay ng mag pinsan.

Mula sa naging caption ni Erwan sa cute na larawan nilang tatlo ay tila`y siya na ang bagong El Padre ni Thylane, at makikitang nagbiro pa si Erwan dahil naka-mention si Nico Bolzico sa naturang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


“There’s a new El Padre in town. Sorry @nicobolzico”

At dahil dito ay hindi naman napigilan ni Nico na mainggit sa larawan nila Erwan kasama ang kaniyang anak na si Thylane at nagbigay din ng kaniyang komento patungkol dito.

“I am starting to get jealous @erwan!!!!”


Bukod sa larawan nilang tatlo ay may video din sila na kung saan ay kasama ni Erwan maglakad si Dahlia at Thylane habang hawak nya ang dalawa sa magkabilang kamay.

Dahil dito ay hindi naman napigilan ng ilang netizen na magbigay ng kanilang komento sa masayang bonding nina Erwan, Dahlia at Thylane.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

“Aw super sweet tonton and papa😍

“Perfect daddy . Awesome 👏👏👏

“Hahaha.. she’s taller!😍

The post Erwan Heussaff, ipinasilip ang kanilang masayang bonding kasama ang anak at pamangkin appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments