Empress Schuck at kanyang anak, agaw pansin sa kanilang napakagandang twinning na gowns

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas matapos masaksihan ng publiko ang pag-iisang dibdib ng aktres na si Empress Schuck at ang kaniyang longtime partner na si Vino Guingona.


Credit: @itsemressita on Instagram

Ang kanilang munting kasalan ay tila’y naging isang magandang seremonya na puno ng pagmamahalan at kasiyahan mula sa dalawang taong nag-iibigan, at sa kanilang pamilya na nakasama sa espesyal na okasyon na ito ng kanilang buhay bilang isang ganap na mag-asawa.

Isang masayang garden wedding ang naganap mismo sa Hillcreek Gardens sa Tagaytay at nagmistulang all-white floral ang kanilang napiling motif para dito.




Credit: @itsemressita on Instagram

Ang kanilang kasalan ay tila’y mas naging espesyal dahil bukod sa kanilang pamilya ay hindi rin maaaring mawala sa okasyon na ito ang kanilang unica iha na si Athalia na siyang nagsilbing little bride sa kasalang ito.

Nagmistulang kambal ang naging itsura ni Empress at ng kanilang anak na si Athalia habang suot-suot din nito ang ang isang puting gown na gawa mismo sa Swarovski crystals na siyang kapareha din ng bridal gown ng kaniyang Mommy Empress.


Samantalang si Vino naman ay makikita ang gwapong kasuotan nito habang suot-suot ang isang blue suit.

Talagang naging isang masayang kasalan ito para sa kanilang pamilya at makikita sa kanilang mga ngiti ang labis na kasiyahan at pasasalamat sa mga taong kanilang nakasama sa espesyal na okasyon na ito ng kanilang buhay.

Ang masayang kasalan ni Empress at Vino ay nagtapos sa kanilang taos-pusong mensahe sa isa’t-isa na kanilang ipinarating sa kanilang kani-kaniyang wedding vows.


“I thank God because through these challenges, we both grew, we got to know each other better, we learned from each other and more importantly, we both found Christ and deepened our relationship with him,” (Vino’s wedding vow).

“Through you, God showed me that I can be taken care of, that I can be loved, I can be heard and understood for all the struggles and sacr!fices I went through in life.” (Empress’s wedding vow).




Nagsimula ang pag-iibigan nina Empress at Vino noong taong 2014 at nagbunga ang kanilang pagmamahalan nang isilang ng aktres ang napakagandang si Athalia noong September taong 2015.

The post Empress Schuck at kanyang anak, agaw pansin sa kanilang napakagandang twinning na gowns appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments