Super Tekla at Donita Nose, sinubukan magmaneho ng pampasaherong jeep at pumasada ng isang buong araw

Napakah!rap nga naman talaga ng trabaho ng isang jeepney driver dahil sa pagod at sa dala ng panahon.

Kahit na umuulan o tirik man ang araw ay tuloy pa rin ang pasada ng ating mga masisipag na jeepney drivers. Kaya naman, hindi maitatanggi ang kanilang nga sakr!pisyo at kasipagan uoang mapagsilbihan ang kanilang mga pasahero.


Credit: Donekla in Tandem Youtube

Naisipan ng dalawang artista at komedyante na sina Super Tekla at Donita Nose na magkaroon ng challenge. Kaya daw nila ito napiling challenge dahil sa nakita nila ito na hinihingi ng mga fans nila sa comment section.




Credit: Donekla in Tandem Youtube

Nakita din ng mga fans ang kagalingan mag drive ni Donita kaya naman pinush ng nga netizens na gawin nila ang Jeepney Driver Challenge. Naging isang jeepney driver si Donita habang si Tekla naman ay ang naging konduktor.

Ayon kay Tekla, ito na ata ang pinaka mah!rap na challenge na ginawa nila dahil sa unang parte ng kanilang pasada ay wala silang nasasakay na pasahero.


Credit: Donekla in Tandem Youtube

Naibahagi din ng kasama nilang driver ang kanilang naging problema dahil sa hamon ng pandemya. Noon ay nakukuha nila ang kanilang kita ng 800 ngunit sa pandemya ay bumaba ito sa 400 hanggang 100 sa isang araw.

Habang nasa jeep ang dalawa kasama ang kanilang pasahero ay nagpaalala pa rin ito sa mga ipinatutupad na health protocols. Katulad na lamang ng mga barrier sa loob ng jeep at social distancing.


Credit: Donekla in Tandem Youtube

Noong nagka pasahero na sila ay ibinalik ni Tekla ang mga bayad ng mga pasahero at sabi ni Tekla ito ay libreng pasakay nila.

Nagbigay pa ng payo ang kasama nilang driver. Sabi ng driver, bagalan lamang ang takbo upang makakuha ng pasahero.

Makikita sa bandang dulo ng kanilang vlog ay ang pagod ni Donita dahil sa init at pagod. Nasabi rin nila na mas mahirap ang jeepney dahil ito ay manual transmission at mas nahihirapan dahil sa traffic.




Credit: Donekla in Tandem Youtube

Napakahusay maging jeepney driver ni Donita dahil siya pa ay nabigyan ng ratings sa kaniyang kasamang jeepney driver na 9 out of 10.

The post Super Tekla at Donita Nose, sinubukan magmaneho ng pampasaherong jeep at pumasada ng isang buong araw appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments