Ai-Ai delas Alas, naiyak sa tuwa dahil sa achievement ng kanyang anak na nakatapos na ngayon sa kolehiyo

Sa bawat achievements natin sa buhay, una na sa listahan na proud na proud sa atin ay ang ating mga ina. Bilang isang ina, sila din ang number one fan na laging nakasuporta sa atin.

Kaya naman, ang TV host at komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas ay proud na proud sa kanyang anak na si Sophia Andrea Delas Alas. Nagtapos na sa kolehiyo si Sophia kaya naman taas noo ang kanyang inang si Ai-Ai sa kanya.




Credit: Sophia Andrea on Instagram

“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo.” pahayag ni Ai-Ai.

Wala daw makakapantay sa saya niyang ito. Daig pa niya ang nakakuha ng parangal sa kanyang trabaho o anumang propesyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Nag papasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak.

Naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak,” dagdag pa ni Ai-Ai.


Credit: Sophia Andrea on Instagram

Kaya naman, lubos ding nagpapasalamat si Ai-Ai sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay. Marami ang mga tumulong sa kaniyang anak sa kanyang pag-aaral kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat din.

“Bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak. Nag papasalamat din ako kay Miguel ( papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si Pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng hschool at first year college salamat @priscillasalud.




Credit: @msaiaidelasalas on Instagram

Napa ka agang pang valentines at pa bday ni lord ito pa ra sa akin. Salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan … iam so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. i love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE,” patuloy na pasasalamat pa ni Ai-ai.

The post Ai-Ai delas Alas, naiyak sa tuwa dahil sa achievement ng kanyang anak na nakatapos na ngayon sa kolehiyo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments