Anne Curtis at Solenn Heussaff, ipinasilip ang kanilang masayang bakasyon sa Boracay kasama ang kanilang mga anak na sina baby Dahlia at baby Tili

Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas ng maka-uwi sa Pilipinas ang aktres na si Anne Curtis kasama ang kaniyang pamilya galing Australia, at ngayon ay atin namang silipin ang kanilang masayang bakasyon sa Isla ng Boracay.

Matagal man ang huling bisita ni Anne sa Boracay ay tila`y hindi naman nila pinalagpas ang pagkakataong ito upang masulit ang panahon na maaari pa silang magbakasyon ng magkakasama.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“Touchdown Boracay! Had a safe and smooth flight aboard @airtrav.ph ✈

Kaya naman sa magkahiwalay na Instagram stories ni Anne Curtis at ni Solenn Heussaff ay makikita ang kanilang pagpunta sa Boracay at ang kanilang masasayang bonding moments kasama ang kanilang mga anak na sina Dahlia Amélie at Thylane Katana.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Sa IG Story ni Solenn ay makikitang nakasakay sila sa isang private plane habang nakasuot pa din ang kanilang mga face mask upang maging l!gtas sa kanilang byahe hanggang sa makarating sa Isla.

Pagdating sa Boracay ay mamamangha ka naman sa ganda ng lugar at magandang tanawin na iyong makikita, magmula sa dagat hanggang sa kanilang ipinagmamalaki sa Isla ang white sand.


Credit: Anne Curtis on Instagram

Sa kanilang masayang bakasyon na ito ay hindi rin naman magpapahuli ang ang masayang bonding moment ng kanilang mga anak na si Dahlia at Thylane habang enjoy na naglalaro ang dalawa habang sila ay nasa kwarto.


Tila`y ang dalawa ay hindi lamang mga little playmates kundi sila din ay mga breakfast buddies, na siyang makikita naman sa IG Story ng asawa ni Anne na si Erwan Heussaff ang magkatabi na sina Dahlia at Tili habang nakaupo sa kanilang mga upuan.




Credit: @erwan on Instagram

Bukod pa dito ay hindi naman maitago ni Anne ang kaniyang labis na kasiyahan matapos silang sopresahin ng Crimson Resort and Spa Boracay, at bigyan ng cake kasabay ang video greeting para sa kanilang little Erwanita na si Dahlia.

Maliban sa kanilang masayang bakasyon ay ginanap din dito ang photoshoot ni Anne para sa summer campaign ng kanilang make-up brand, ang BLK cosmetics.

The post Anne Curtis at Solenn Heussaff, ipinasilip ang kanilang masayang bakasyon sa Boracay kasama ang kanilang mga anak na sina baby Dahlia at baby Tili appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments