Angelica Panganiban, labis ang saya nang ianunsyo ang kanyang pagbubuntis sa kanyang unang baby

Sa kabila ng kanyang mga naranasang kabiguan sa buhay pag-ibig mula sa saya hanggang sa kanyang pagluha, ay tila natagpuan na nga ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang “The One” na nagbibigay saya at kulay sa kanyang puso ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Matatandaang ika-5 ng Pebrero nang tuldukan ni Angelica ang lahat ng espekulasyon ng marami patungkol sa kanyang love life, matapos ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang nakakakilig na larawan nila ng kanyang non-showbiz at businessman boyfriend na si Gregg Homan.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Bagama’t naging pribado man ang buhay pag-ibig ni Angge ay marami naman ang natuwa para sa aktres, lalo pa’t makikita ang labis na kasiyahan nito sa piling ng kasintahan.

Ngunit tila hindi pa diyan natatapos ang bonggang sorpresa ni Angelica dahil nito lamang Linggo, ika-20 ng Marso, ay isang magandang balita ang hatid ng aktres sa publiko at kanyang mga tagahanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Kung dati rati ay laging katanungan ng karamihan sa aktres kung kailan niya balak bumuo ng isang pamilya, tila nangyari na nga ang tamang panahon para sa kanya dahil ang aktres ay magiging soon-to-be mom na rin.

Ang magandang balitang ito ay inilahad ni Angge sa kanyang Instagram post, na kung saan ay makikita ang litrato ng aktres kasama si Gregg sa isang hindi pinangalang beach, at makikita mula rito ang naging sonogram picture ng kanilang magiging 1st baby.




Credit: @iamangelicap on Instagram

Kasunod ng litratong ito ay ang isang short video clip ng naturang ultrasound ni Angelica ang kanyang ibinahagi rin, na kung saan maririnig sa naturang video ang pagiging emosyonal at labis na tuwa ng soon-to-be mom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Ayon sa naging caption ni Angge sa naturang post, “Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”

Pagbibiro pa ng aktres, “Opo, may matres ako mga baklaaah!”


Credit: @iamangelicap on Instagram

Pinasalamatan naman ni Angelica ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at maging ang mga supporters na tinawag niya bilang “marites” sa pagbibigay ng suporta, dasal at pagmamahal para sa kanilang magiging pamilya.

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko. Kaiyaq pramis” saad nito.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Marami naman sa mga kilalang personalidad at kaibigan ni Angge sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati.
Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang komento ay sina Vhong Navarro, Barbie Imperial, Maxene Magalona, MJ Lastimosa, Alora Sasam, Jasmine Curtis, Neil Arce, Lotlot De Leon, Elisse Joson at marami pang iba.

The post Angelica Panganiban, labis ang saya nang ianunsyo ang kanyang pagbubuntis sa kanyang unang baby appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments