Dating child star at gumanap bilang Cedie na si Tom Taus, hinangaan ng mga Netizens dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan at natatanging galing sa musika

Sa napakabilis na paglipas ng panahon, marami sa ating mga tinitingala at iniidolong artista noong 90’s ang nag-iwan ng natatanging imahe at tatak sa puso ng bawat manonood.


Credit: @tomtaus on Instagram

At isa na nga sa kinagiliwan at inidolong child star noon sa telebisyon ay ang dating sikat na child star wonder, na bumihag sa puso ng mga manonood na si Tom Taus.

Ang dating aktor na si Tom ay ang nakababatang kapatid ng dating singer-actress na si Antoinette Taus.


Credit: @antoinettetaus on Instagram

Matatandaang isa ang aktor sa tuluyang namayagpag ang showbiz career na talaga namang naging usap-usapan ang kanyang pangalan sa murang edad pa lamang nito noon.

Ang Batang Z, Ang TV, Ang Titser Kong Pogi, at Anak ng Bulakan ang ilan lang naman sa mga teleserye at pelikula na kanyang ginampanan na siyang tumatak sa mga tagasubaybay.


Credit: @tomtaus on Instagram

Ngunit tila mas nakilala at naging sikat ang kanyang pangalan matapos pagbidahan ni Tom noong taong 1996, ang cinema adaptation ng classic novel at anime na “Cedie: Ang Munting Prinsipe”.

At sa kabila ng natamong kasikatan ng aktor ay hindi naman naging hadlang sa kanya na tuparin ang kanyang pangarap, na kung saan ay isa na ngayong sikat na International DJ at Electronic Drummer si Tom sa Los Angeles, matapos ang kanyang naging pag-migrate sa US kasama ang kanyang pamilya noong siya at 13 taong gulang pa lamang.




Credit: @tomtaus on Instagram

Hindi nakapagtatakang nakagawa agad ng sariling pangalan si Tom sa ibang bansa dahil sa kanyang natatanging talento at hilig sa larangan ng musika.

Naitampok bilang isa sa “Best of the Region” sa Southeast Asia ang aktor at naimbitahang magtanghal rin sa ilang mga festival gaya na lamang ng ULTRA Japan noong 2015/2018, ULTRA Korea noong 2016/2019 at Road To Ultra Philippines noong 2015/2016.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Taus (@tomtaus)


Nakasama rin ni Tom magtanghal ang ilan sa mga kilala at sikat na DJ’s sa ibang panig ng bansa, tulad na lamang nina Armin Van Buuren, Tiesto, Hardwell, Martin Garrix, Avicii, Alesso, at iba pa.

Tila wala na ngang makakapigil pa sa pag-abot ni Tom ng kanyang mga pangarap, kaya naman sa kabila rin nito ay hindi maitatangging likas na sa aktor ang pagkakaroon ng gwapong mukha at matipunong pangangatawan, na talaga namang kapansin-pansin lalo na ngayong siya ay 35 taong gulang na.


Credit: @tomtaus on Instagram

Sa litratong ibinahagi ng kanyang kapatid na si Antoinette ay makikita ang kanilang lumang family picture noon, na kung saan ay hindi nakapagtatakang namana ng magkapatid ang kanilang kagandahan at kagwapuhan sa kanilang mga magulang.

At kahit sobrang busy man ni Tom sa kanyang trabaho at napiling karera, ay marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang hindi napigilang kiligin sa taglay nitong kagwapuhan.


Credit: @tomtaus on Instagram

“Lalong gumwapo yung crush ko 😍💕 take care always! ❤

“My CEDIE😍😊


Credit: @tomtaus on Instagram

“Pogi ni prince cedie”

“Crush talaga kita dati nung bata pa ako 😍😍😍😍😍😍

The post Dating child star at gumanap bilang Cedie na si Tom Taus, hinangaan ng mga Netizens dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan at natatanging galing sa musika appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments