Yassi Pressman, ipinasilip ang kanyang pagbisita sa isang City Jail Female Dormitory upang mamili ng kanilang magagandang produkto

Kung ang Pebrero ay ating ipinagdiriwang ang “love month” o Buwan ng mga Puso, ang Marso naman ay ang buwan ng pagkikilala at paggunita natin sa Buwan ng Kababaihan, bilang pagkilala sa kanilang nagawa at naitulong sa pag-angat ng kanilang kalagayan sa ating lipunan.


Credit: @yassipressman on Instagram

At dahil ating ginugunita ang espesyal na buwan na ito, ang aktres at dancer na si Yassi Pressman ay nagbigay ng tuwa at kasiyahan sa mga kababaihan, matapos niyang bisitahin ang Quezon City Jail Female Dormitory.

Hindi lamang pagbibigay saya ang hatid ni Yassi sa kanyang naging pagbisita, dahil ayon pa mismo sa aktres ay bumili rin siya ng 600 na piraso ng mga shampoos at conditioners para sa kanila.


Credit: @yassipressman on Instagram

Aniya, “Visited the Quezon City Jail Female Dormitory to buy shampoos and conditioners for 600 of these beautiful women who deserve a second chance. Happy Women’s Month”.

Sa litrato at videos na ibinahagi ni Yassi sa kanyang Instagram post nooon lamang Biyernes, ika-18 ng Marso, ay makikita ang pagpunta ng aktres sa Quezon City Jail at ang kanyang pamamahagi ng kanyang mga nabili.


Credit: @yassipressman on Instagram

Ngunit tila hindi lamang rito natatapos ang pagbibigay tul0ng ni Yassi sa mga kababaihang nandoon, kundi kanya ring binili umano ang mga naggagandahang handcrafted bags at pillows na siyang gawa mismo ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Pagbabahagi ng aktres, “I also bought all of the handcrafted bags and pillows they made that was displayed on the table to show support, para maramdaman naman nila na yung pinaghihirapan nila may magandang kapalit! And they can use that budget for personal needs or pwede rin nila ishare sa pamilya nila dito sa labas sana po kung bibili din po kayo ng bagong bag o regalo baka masilip nyo po yung mga gawa nila at makakatulong pa po tayo”.




Credit: @yassipressman on Instagram

Hindi naman napigilan ni Yassi ang kanyang labis na kasiyahan matapos masilayan ang mga ngiti sa mukha ng mga kababaihan na kanyang natulungan.

“Alam nyo po nakakatuwa po dahil naniniwala sila na sa pansamantalang tahanan po nila na iyon, may maganda pa rin pong bukas na nagaabang sa kanila” saad ng aktres.


Credit: @yassipressman on Instagram

Kwento pa nga ng aktres ay nagkaroon rin sila ng masayang experience habang nasa loob ng Quezon City Jail, na kung saan ay naghanda rin ng kanta at sayaw ang mga kababaihang kanilang binisita.

“Can’t share more pics yet for their privacy but most of them performed, sang and danced for us nakakatuwa napakagagaling po nila at sobra ko pong naappreciate” dagdag pa niya.

The post Yassi Pressman, ipinasilip ang kanyang pagbisita sa isang City Jail Female Dormitory upang mamili ng kanilang magagandang produkto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments