Angeline Quinto, blooming mom sa kanyang napakaganda at bonggang selebrasyon ng kanyang baby shower

Isang biyaya nga kung maituturing ang pagdating ng bagong miyembro sa isang pamilya. Mala anghel kung sila ay tawagin ng madla dahil sa naibibigay nilang kagalakan at pag-asa, para sa mga taong kanilang napapangiti at napapasaya.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

At bilang pasasalamat sa biyayang natanggap sa pagdating ng bagong miyembro sa buhay ngayon ng singer at aktres na si Angeline Quinto, ay isang masaya at bonggang selebrasyon ang kanyang ipinasilip sa publiko.

Ang soon-to-be mom na si Angge ay masayang ibabahagi sa kanyang Instagram post, ang mga naging kaganapan sa kanyang napakasaya at bonggang baby shower nito lamang Martes, ika-22 ng Marso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Naganap ang masayang selebrasyon na ito sa Taguig, na kung saan ay dinaluhan ng ilan sa mga kilala at kaibigan ni Angge sa showbiz. Ilan sa mga nakadalo sa naturang selebrasyon ay ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Kalakip nito ay mapapansin naman sa mga naturang larawan na kuha mismo ng Nice Print Photography ang kagandahan ng venue, na kung saan ay makikitang napapalibutan ito ng mga makukulay na lobo at teddy bears na siyang nagpadagdag sa kabonggahan ng kaniyang selebrasyon.

Samantala, tila hindi pa nga diyan natatapos ang munting pasilip ng singer sa kanyang bonggang baby shower, dahil kasabay rin ng mga litratong ibinahagi niya ay makikita rjn ang sweet photo ni Angge kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.




Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Matatandaang ipinasilip ni Angge sa kanyang maternity shoot noon ang litrato ng kanyang kasintahan, na kung saan ay side view pa lamang nito ang siyang makikita.

Ngunit, ngayon ay proud na ibinida ng singer ang mukha ng kanyang boyfriend, na talaga namang kapansin-pansin ang taglay rin nitong kagwapuhan.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Samantala, labis namang pinasalamatan ni Angge ang lahat ng kanyang mga kaibigan at pamilya na nakapunta sa espesyal na araw na ito ng kanyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Aniya, “Thank you very much po sa lahat for making my baby shower possible. Nakita at nakasama ko ulit ang mga taong malapit sa akin. And also THANK YOU, sa napaka generous na mga partners and sponsors namin para mabuo ito. We love you po. Thank youuu sainyong lahat”.


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Maliban pa diyan ay pinasalamatan rin ni Angge ang kanyang mahusay na event stylist na si Gary Abar Dacanay, sa napakagandang venue set-up na ginawa nito sa bonggang selebrasyon ng babay shower ng singer.


“Thank you very much sa napaka husay naming event stylist @garydacanay_eventstylist dahil mas naging memorable para sa amin at sa lahat ng dumalo ng baby shower. Napakaganda talaga ng kinalabasan ng event at mas lalo kaming na excite na dumating si Baby” dagdag pa nito.

The post Angeline Quinto, blooming mom sa kanyang napakaganda at bonggang selebrasyon ng kanyang baby shower appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments