Dimples Romana, nagbigay ng masayang celebration para sa kaarawan ng kanyang mga kasama sa bahay na itinuring na din nilang kapamilya

Ang responsibilidad at tungkulin ng isang kasambahay ay hindi madali. Bukod sa nakakatulong sila sa mga gawaing bahay, ay nagkakaroon rin ng katuwang at kaagapay ang mga amo na kanilang pinagsisisilbihan pagdating sa pag-aalaga at pagbabantay sa kanilang mga anak habang ang mga ito ay abala sa kanilang trabaho.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Kaya naman hindi nakapagtataka na marami sa atin na sila ay itinuturing ng bahagi nang ating pamilya. At isa na nga sa mga nagpatunay nito ay ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang mag-asawa ay hindi lamang madiskarte pagdating sa maraming bagay, kundi isa ring mapagmahal at mabuting amo sa kanilang mga kasambahay.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Kaya naman maging sa espesyal na araw ng kanilang buhay, ay hindi nakakaligtaan nina Dimples at Boyet na ipagdiwang ito at mabigyan ng masaya at simpleng selebrasyon ang mga ito.

At sa pagdiriwang nga ng kaarawan ng dalawang taong pinakaimportante sa kanilang pamilya, ay isang taos pusong mensahe at pagpapakilala ang ibinahagi ni Dimples kalakip ang mga litrato nina Ate V at Kuya Rey na hawak-hawak ang kanilang mga cake.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Ayon kay Dimples, halos magda-dalawang dekada na rin umanong nagta-trabaho sina Ate V at Kuya Rey sa kanilang pamilya simula pa lamang ng ikinasal ang dalawa.

Aniya, “Si Ate V has been with us for 18 years now, si Kuya Rey naman our in-house foreman has been with us for 12 years”.




Credit: @dimplesromana on Instagram

Dagdag pa nito, “But @papaboyetonline and I have been blessed to be surrounded by staff turned into family over these two decades of our married life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Kwento pa ng aktres ay isa umano si Ate V sa kanyang pinagkakatiwalaan hindi lamang pagdating sa usapin sa kanilang bahay, kundi maging sa pag-aalaga at pagbabantay sa kanilang mga anak na sina Callie at Alonzo.

Paglalahad nito, “Si Ate V Kahit na mas masungit pa sa akin yan minsan, napapagkatiwalaan namin sya not just with our home but also with the kids. Love na love yan sya ni @callieahmee at #AlonzoRomeoJose”.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Samantala, inilarawan naman ni Dimples na “boss” si Kuya Rey, dahil sa pagiging in-house foreman nito sa kanilang tahanan, na siyang kumukumpuni at nag-aalaga sa kanilang bahay. At biro pa nga ng aktres ay kahit pisong sukli ay ibabalik pa nito sa kanya.

“Si Kuya Rey naman started to do minimal work lang around our home a decade back, he is now the boss (hindi ako, lalong Hindi si boyet) of all our other caretakers from the other spaces. He manages them well and tells me often if he feels someone is taking advantage of Boyet and I. Talk about genuine concern. Si Kuya Rey, ultimo Piso sa sukli ibabalik pa sakin” pagbabahagi niya.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Tunay ngang sa kabila ng lahat na natatanggap na biyaya ng kanilang pamilya, ay hindi nakakalimutan ng mag-asawa na pasalamatan at pahalagahan ang lahat ng mga taong kanilang nakasama at itinuring na pamilya mula noon hanggang ngayon.

“Pano ba yan, forever na to!” Ani pa ng aktres.

The post Dimples Romana, nagbigay ng masayang celebration para sa kaarawan ng kanyang mga kasama sa bahay na itinuring na din nilang kapamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments