Sarah Lahbati, nasurpresa sa napakarami at napakagandang mga pulang rosas mula sa kanyang asawa na si Richard Gutierrez

Isa sa mga hinahangaan ngayong celebrity couple sa industriya ng showbiz ay ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na talagang naghatid ng inspirasyon sa nakararami.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nauwi sa isang masayang pagmamahalan na kalaunan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong March 2020, na mas lalong binigyan pa ng saya at kulay simula ng dumating ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Hindi lamang sa ganda at tibay ng samahan ng mag-asawa sila ay hinangaan ng publiko, kundi maging sa pagkakaroon ng isang masaya at puno ng pagmamahalan bilang pamilya.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ngunit sa kabila man ng kanilang pagiging isang magulang sa kanilang mga anak, ay hindi maitatangging hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa.

Kaya naman sa kabila ng kanilang matibay na samahan ay napapanatili pa rin nila ang wagas na pag-ibig at kilig mapa okasyon man o wala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Isa na namang kakaibang saya at kilig ang hatid ng mag-asawang Sarah at Richard sa kanilang mga tagahanga. Ito nga ay matapos ibahagi ni Sarah sa kanyang social media account ang natanggap na regalo na talaga namang ikinatuwa ng kanilang mga fans.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Sino nga ba naman ang hindi mapapasana-all at gugustuhin din na makatanggap ng isang sorpresang regalo, lalo na kung ito ay isang bulaklak na mula sa taong iyong pinakamamahal.

Ganyan nga inilarawan ng celebrity mom ang kanyang naramdamang tuwa at kilig, matapos itong makatanggap ng 150 piraso ng pulang rosas na bigay ng kanyang pinakamamahal na asawa.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Aniya, “before heading to work today, i was surprised by my love @richardgutz with 150 roses”.

Makikita sa litrato ni Sarah sa kanyang Instagram post ang napakalaki at mapupulang rosas na kanyang natanggap, na kung saan ay makikita naman ang labis na tuwa at kilig sa mga mata ng aktres.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Pinasalamatan naman ni Sarah ang kanyang asawa sa pamamagitan ng isang nakakakilig na mensahe na kanyang ibinahagi sa kanyang caption.

“thank you for always making me feel loved, for making me feel special & for treating me like a queen. je t’aime, my king!!!” Ani ng aktres.

The post Sarah Lahbati, nasurpresa sa napakarami at napakagandang mga pulang rosas mula sa kanyang asawa na si Richard Gutierrez appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments