Napakacute na anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie, kinagiliwan ng mga Netizens matapos nito ipamalas ang kanyang pagiging sporty sa edad na 2 taong gulang

Isa lang naman ang mga katagang “like mother, like daughter”, sa madalas nating marinig na binabanggit ng karamihan sa tuwing nakakakita ng mga mag-iina.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Hindi lamang sa pisikal na kaanyuan at malaking pagkakahawig sa isa’t-isa ito ay makikita, kundi maging sa kanilang taglay na pag-uugali at hilig sa maraming bagay.

Halimbawa na lamang nito ay ang batikang aktres at tinaguring “Diyosa” ng kagandahan at kas3ksihan na si Anne Curtis at ang kanyang cute at adorable child na si Dahlia Amelie.


Hindi na bago sa atin ang pagiging physically fit ni Anne, na kung saan ay taglay ng celebrity mom ang natatanging ganda at kas3ksihan sa kabila ng kanyang panganganak kay Dahlia.

Ngunit, sa kabila nito ay hindi rin maitatanggi na ang napaka-cute na si Dahlia ay ang mini me ng daddy nyang si Erwan Heussaff, na kung saan ay talaga namang makikita ang pagkakahawig ng mag-ama sa isa’t isa.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Malaki man ang pagkakahawig ng mag-ama, ay hindi rin naman maikakailang marami ring namana at nakuha si Dahlia mula sa kanyang Mommy Anne, tulad na lamang ng mga nakakatawang reaksyon nito at mga bagay na kinahihiligan ni Anne ay hilig rin ng kanilang anak.

Patunay na lamang nito ay ang nakakatawang reaksyon ni Dahlia habang kumakain ng isang leafy vegetable, na kung saan ay maririnig ang cute na boses nito habang binibigkas ang mga katagang “Oh! sour, oh! sour”.


Ang bidyong ito ay ibinahagi ni Erwan sa kanyang IG story, na may caption pang, “I wonder where she gets it from? @annecurtissmith”.

Maliban pa diyan, ay makikita rin ang cute and adorable photo at video nina Anne at Dahlia habang sila ay nasa isang park suot-suot ang kanilang football outfit.




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa naturang video ay makikita naman si Dahlia na may hawak na kulay asul na bola, at ipinakita sa kanyang Mommy Anne kung paano niya ito sipain papunta sa goal area.

Caption naman ng celebrity mom sa kanyang naturang post, “GOAL!!! Soccer/football mum kinda morning”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Tila ang 2-year-old na si Dahlia ay sporty rin tulad ng kanyang Mommy Anne, na siyang ikinatuwa naman ng mga netizens matapos panggigilan ang video nila na magkasama.

“Like momianne & daughterdahlia😍😍😍parehong tumawa😄😍😍”.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

“The cutest you two!! 😍❤😍❤😍”.

“OMG!!!😍 Dahlia is so kyoooot!!!!!❤ Beautiful momma and bb!😘

The post Napakacute na anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie, kinagiliwan ng mga Netizens matapos nito ipamalas ang kanyang pagiging sporty sa edad na 2 taong gulang appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments