Sandara Park, nagpamalas ng kagandahan sa ginanap na Fashion Week sa ibang bansa

Agaw pansin ang taglay na kagandahan ng Korean pop star at dating Kapamilya talent na si Sandara Park sa kaniyang pagdalo kamakailan sa Paris Fashion Week para ngayong taon.


Credit: @daraxxi on Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na isa si Sandara o mas kilala sa kaniyang stage name na Dara, bilang isa sa mga mahuhusay na singer at dancer mula sa South Korea.

Taong 2004 nang sumali at makilala sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest si Sandara, na kung saan ay ito ang naghatid sa kaniya upang mabigyan ng magandang proyekto noon sa mga pelikula at programa.


Credit: @daraxxi on Instagram

Masasabing kahit walang dugong pinoy si Sandara, ay pinatunayan naman nito na nananalaytay naman sa kaniyang puso ang tunay na pagka pinoy.

At kahit hindi man naipagpatuloy ang kaniyang nasimulan na buhay sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ay pinalad naman ang makabalik si Sandara sa Korea at naging bahagi nga ng isa sa mga sikat na all girl K-pop group na 2NE1.




Credit: @daraxxi on Instagram

Sa kabila ng kaniyang pagiging isang Korean artist ay taglay naman ni Sandara ang anking kagandahan at isa sa mga sikat na personalidad na talagang mahilig rin pagdating sa fashion.

Kaya naman sa kaniyang naging pagdalo sa Paris Fashion Week na ginanap sa Paris, France, ay talagang makikita ang nag-uumapaw na kagandahan ng South Korean Singer, matapos maimbitahan maging modelo ng isang luxury fashion house na Chloe at Balmain.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


Sa mga litratong ibinahagi ni Dara sa kaniyang Instagram, ay makikita ang ilan sa kaniyang mga napakagandang stylish outfit na kaniyang isinuot sa nasabing fashion week.


Credit: @daraxxi on Instagram

Makikitang nakasama rin niya ang isang sikat na Japanese fashion model na si Kozue Akimoto, na kuha mismo ng isang kilalang fashion photographer na si Jay Lim.

Sa kaniyang edad ngayon na 37, ay marami pa rin ang talaga nga namang nabibighani pa rin sa taglay na kagandahan ni Sandara, at nagnanais na siya ay muling masilayan sa telebisyon.


Credit: @daraxxi on Instagram

“Inside and outside from head to toe Dara unnie is real~ly beautiful!!! 😍❤️‍🔥 Stunning in Paris!!!”

“Don’t ever challenge SANDARA when it comes to fashion!!! She got the best style!!! 😍 😍 😍

“So pretty! 😍😍😍

The post Sandara Park, nagpamalas ng kagandahan sa ginanap na Fashion Week sa ibang bansa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments