Pokwang, ipinasilip ang pinapagawang bago at napakagandang bahay na magsisilbi bilang kanilang summer house

Marami na sa mga kilala at sikat na artista ngayon sa showbiz ay talaga nga namang bahagi na ng kanilang buhay ang pagpupursige sa trabaho, upang ilaan ang kanilang mga kinikita sa mahahalagang bagay.

Maliban nga sa pangarap na makilala at umusbong ang karera sa mundo ng showbiz, ay marami rin sa kanila ang nangangarap na makapagpundar ng sariling ari-arian para sa kanilang pamilya.

Dahil sa kaniyang ipinakitang kasipagan, tiyaga at diskarte sa buhay ay malayo na rin ang narating ng aktres at komedyanteng si Pokwang.

Sa katunayan nga nito ay isa si Pokwang sa nagsilbing inspirasyon sa kaniyang mga tagahanga, upang magsumikap sa buhay para makamit ang kaniyang mga pinapangarap.

At isa nga sa mga matagal ng pangarap ng komedyante na naisakatuparan ay ang kaniyang ipinapatayong summer house sa Camaya Coast sa Bataan.

Sa Instagram post ng aktres nito lamang Lunes, September 26, ay proud na ipinakita ni Pokwang ang kaniyang naipundar na summer house para sa kaniyang mga anak na sina Mae Subong at Malia Francine O’Brian.

Ayon pa nga sa komedyante, ang bagong investment na ito ay aniya naantala umano dahil sa kawalan ng sapat na kita at dahil na rin sa nagdaang pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Aniya, “Our @camayacoast_ph summer house soon….. thank you papa God. Sa kabila ng naantalang pagpapatayo dahil sa pandemic at kawalan ng sapat na raket para mapatapos ka, lum@ban ako at nagpursige para sa pangarap ko sa mga mahal ko. Abangan sa bago kong vlog ang kabuuan ng summer house ni @malia_obrian at ate @maesubong soon this December.”



Sa kabila man ng pagka-antala ng kaniyang ipinapagawang summer house ay patuloy pa ring nagpursige si Pokwang, at inaasahan niyang matatapos ang pagpapatayo ng kanilang bagong bahay sa Disyembre.

Matatandaang maliban sa bagong bahay na kaniyang ipinapatayo ngayon sa Bataan, ay nakapagpundar na rin ng isang napakagandang 4-strorey modern house si Pokwang na siyang matatagpuan naman sa Antipolo.

 

Magmula sa kaniyang sipag, tiyaga at diskarte ay tila lahat ng kaniyang tinatamasang tagumpay ngayon sa buhay ay unti-unti na niyang naisasakatuparan hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kaniyang mga anak.

Dahil dito ay bumuhos naman ang natanggap na papuri at komento ni Pokwang mula sa mga netizens at kaibigan ni Pokwang sa showbiz na si Giselle Sanchez, na kung saan ay maging ito ay excited na rin sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang summer house.

“Congrats Mamang ❤❤❤!”

“Congratulations, Nay!!!🥺🌸✨

“Deserved mo ang lahat ng blessings na dumarating sa yo mamang Pokie”.

❤ hardwork always pays off😍”.

The post Pokwang, ipinasilip ang pinapagawang bago at napakagandang bahay na magsisilbi bilang kanilang summer house appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments