Si Japoy Lizardo ay nagsimulang maglaro ng taekwondo ng siya’y labing isang taong gulang pa lamang. Matapos ang dalawang taon niyang paglalaro ng taekwondo, ay nakapasok na siya sa Philippine Black Belt contingent, ito ay ang national team para sa mga mag-aaral ng elementarya at high school.
Pagdating niya ng labing walong taong gulang ay nakasapi na siya sa senior national team, at dahil sa kanyang husay bilang isang taekwondo player ay maraming mga awards ang kanyang nakuha, at ilan nga sa mga ito ay sa Asian Games at maging sa Southeast Asian Games.
Sa ngayon si Japoy Lizardo ay isang kilalang Taekwondo practitioner, actor at commercial model. Siya rin ay may sarili ng pamilya at ang kanyang ang naging asawa ay si Janice Lagman-Lizardo, isang martial artist, at siya ring coach ng UP Taekwondo Poomsae Varsity Team.
Dahil sa parehong mahilig sa martial arts ang mag-asawa, maging ang kanilang mga anak ay tinuturuan na rin nila ng taekwondo kahit na ito nga ay mga bata pa lamang.
Sa Instagram post ng anak ni Japoy na si Jace Alonzo Lizardo, ay makikita ang larawan ng buong pamilya Lizardo na nakasuot ng pang taekwondo na uniporme na mayroon pang fierce, na para banag handang sumabak sa labanan.
Kalakip nga ng larawan ay ang caption na; “This is how do your fierce face #jacelizardo #babyjace #babyjapoynice #jacelizardo3yrsold #taekwondo #taekwondofamily #thelizardosquad #fierceface” Batid nga naman natin na mas magandang i-train ang ating mga anak.
kung sila ay nasa murang edad pa lamang upang sila ay mas lalo pa nating magabayan, katulad na lamang nga ng ginagawang pagti-train nina Japoy at jan sa kanilang mga kyut na mga anak.
Makikita naman sa mga nasabing post ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“Awww hope you do it every year family photo like this” “Ang cute ni Jace, hahaha game face on talaga”
“What a lovely family” Makikita nga sa larawan ng pamilya ni Japoy Lizardo ngayon na siya ay masaya sa kanyang pamilya, kung saan ay kasa-kasama niya sa araw-araw ang kanyang asawa at mga anak.
Source: Famous Trends
0 Comments