Mother Kween na nanay ni Lloyd Cadena, nagbigay ng update sa kanilang pinapagawang bahay

Matapos ang biglaang pagkawala ng isa sa mga napakagaling na vlogger sa Pinas na si Lloyd Cadena, in-update na tayo ni Mother Kween, ang kanyang ina sa kanilang ipinapagawang bahay.

Bago mamaalam si Lloyd, ay mayroon pang bahagi ng bahay na hindi pa natatapos. Kaya, ito ang mga ibinahagi ni Mother Kween sa atin sa kaniyang sariling Youtube channel.



Credit: Mother Kween Vlogs Youtube

Unang ipinakita ni mommy ang gate na tila nasira dahil sa hangin at bagyo. Hindi daw matibay ang pagkakagawa nito kaya nakatali nalang ito para hindi ito tuluyang masira pero isa daw ito sa kanilang papalitan.

Credit: Mother Kween Vlogs Youtube

Priority din nila ang kanilang mga grills at screen dahil makikita ang mga bintana na hindi nakagrills kaya pumapasok ang mga lamok dito.

Credit: Mother Kween Vlogs Youtube

Kasama din sa interior design na papalitan dito ay ang kitchen ni mommy dahil gusto niyang mas mapaganda ito lalo na at personal space niya ito sa bahay.



Credit: Mother Kween Vlogs Youtube

Bukod dito, isa din daw sa ibibigay na update sa atin ni Mommy ay ang ipapagawang hagdanan patungo sa 2nd floor ng bahay. Unti unti ay nakikita na natin na matatapos din ang bahay na pinaghirapan ni Lloyd.

Todo naman at buhos na buhos pa rin ang suporta ng nga Cadenator kay Mother Kween na umabot na sa 1 million ang subscribers nito. Narito naman ang ilan sa mga komento:

“the pain doesn’t go away, you just need to get used into it. Keep filming mother, Queen whenever you miss your son. We’re here to Listen & support you all through out.”

Credit: Mother Kween Vlogs Youtube



“4:11 “Ito yung halaman na tinanim, namumulaklak na, tanim pa ito ni Lloyd kaya inalagaan ko.” Grabe nadama ko yung lungkot ni Mader Kween naiyak ako”

“I know may mga Cadenators na may influence sa construction at interior design. Please help Mother Kween finish their dream house…”

The post Mother Kween na nanay ni Lloyd Cadena, nagbigay ng update sa kanilang pinapagawang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments