Nanay ni Ivana Alawi na si Mommy Fatima, galit na galit nang subukan nila itong hindi pansinin ng isang araw

Ano nga ba ang pakiramdam ng hindi pinapansin sa bahay? Kahit sino siguro ay siguradong maiinis dahil sino nga ba naman sa atin ang gustong iniisnab sa bahay.

Kaya naman, marami na ang naging halimbawa ng Ignoring Prank sa socmed.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Naging halimbawa noon ng ignoring prank na ito ang sikat na vlogger na si Ivana Alawi. At ngayon, si Mommy Alawi naman ang kanilang susubukan.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Inumpisahan nila ang kanilang prank nang tawagan nila sa phone ang kanilang ina para kumain ng lunch. At habang kumakain ay hindi na nila pinansin ang kanilang ina at tila parang wala siya doon.

Nang kumakain na ay nagtataka na si Mommy kung bakit hindi siya pinapansin. Pero di pa rin nila ito matiis nang nagpapakuha siya ng kanin at tubig. Pero, tinuloy tuloy pa rin nila ang prank.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Hanggang sa nainis na si Mommy at lumabas na siya ng bahay. Pumunta na siya sa garden at humiga malapit sa pool habang gumagamit ng phone. At dahil alam ni Ivana na magfofocus na si mommy sa phone niya ay tinanggal nila ang Wifi access.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Tawang tawa naman si Ivana nang makita nila na tila naghahanap si Mommy ng signal sa kanyang Wifi. Matapos nito, pumunta naman si Ivana sa pool at tila nangungulit at kunwari ay nag vlog.

Inis na inis na si Mommy at sinabing pag hindi tumigil ay itutulak niya si Ivana sa pool. Kaya umalis na siya at sina Mona at Hashim naman ang pumunta doon.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Dahil nakulitan na talaga si Mommy, ay nabigla sila nang itulak ni Mommy si Hashim sa pool at basang basa ito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Kalaunan, ay pumunta na si Ivana kay mommy para sabihing prank ito. Galit pa rin si Mommy at tila nawala na lang ito nang ipakita na ang 17,300.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ito kasi ang consequence na tig 5,000 pesos kapag pinansin nila si Mommy. 10,000 mula kay Ivana, 5,000 mula kay Hashim at 5,000 kay Mona pero may utang na lang muna daw siya kay Mommy.

Narito naman ang naging reaksiyon ng mga netizens at kanilang mga tagasuporta,

“That was a difficult prank, to ignore your mother. Because it will naturally angers a mother if her children do not pay attention to her, not to hear or talk to her is being impolite. Kaya nakakagalit talaga. Dahil we expect our children to behave with politeness and be courteous. CONGRATS senyo at talagang pinagbayaran nyo ang ginawa nyong prank sa nanay nyo.”



Credit: Ivana Alawi Youtube

“We love you ate ivana! Thank you for doing my request anddd good luck po sa mga upcoming pranks nyo and we love your videos! Sobrang nakakatawa and you made my day happy. Thank you again ms. Ivana, we love you so much!”

“Lahat ng vlog ni Ivana gusto ko kasi mararamdaman mo talaga na mahal na mahal nila ang nanay nila at mahal na mahal din ni Mommy Alawi mga anak nya.”

The post Nanay ni Ivana Alawi na si Mommy Fatima, galit na galit nang subukan nila itong hindi pansinin ng isang araw appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments