Komedyanteng si Pooh, ibinahagi ang kanyang lumang litrato na nagbigay tuwa at kasiyahan sa mga netizens

Nakilala ang komedyanteng si Jay Patrick Roquero o mas kilala sa kanyang stage name na Pooh, bilang isang mahusay na showbiz personality na talagang nagpatawa at nagpangiti sa maraming tao.

Bukod kasi sa kanyang nakakatawang personality at natatanging galing pagdating sa pakikisalamuha sa mga tao, siya rin ay hinangaan sa kanyang husay pagdating sa pagiging isang impersonator.


Credit: @pooh_tik on Instagram

Isa nga sa kanyang mga ginaya ay ang boxing champion at kasalukuyang Senator ng Pilipinas na si Sen. Manny Pacquaio. Mula pa man noon ay nakitaan na ng talento si Pooh pagdating sa pagiging isa ring mahusay na aktor, kaya naman ganun na lang din kadami ang patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

At mas lalo pang nakilala ang komedyante ng siya ay mapabilang sa comedy show na Banana Split noon na naging Banana Sundae, na kung saan ay nakasama niya ang ilan sa kilalang personalidad na sina Angelica Panganiban, John Prats, Jayson Gainza at marami pang iba.




Credit: @pooh_tik on Instagram

Samantala, maliban sa kanyang pagpapatawa ay isa rin sa mga napansin ng karamihan pagdating sa kanyang panlabas na kaanyuan, ay ang kawalan ng buhok na siyang isa rin sa kanyang naging puhunan lalo na sa pagpapasaya ng madla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by pooh_tik (@pooh_tik)


Sa post na ito ni Pooh ay makikita ang kanyang litrato noong kanyang kabataan, na mapapansin ang kanyang malagong buhok na hindi aakalaing ganito pala ang buhok niya noon. Ayon sa kanyang inilagay na caption, “Sino nagsabi na panot ako??? #early90s pasok bashers!! Hahahaha”


Credit: @pooh_tik on Instagram

Dahil dito ay marami na naman sa mga netizens ang kanyang napatawa at hindi inakala ang kanyang itsura sa naturang litrato. Mayroon rin naman sa mga celebrites tulad na lamang nina Nikki Valdez at Kaye Abad, na hindi rin nakapag pigil sa pagbibigay ng kanilang komento para sa komedyante.

Komento ni Kaye Abad, “Ang kapal ng buhok mo mars!!!!!! Saan napunta?”


Credit: @pooh_tik on Instagram

Mayroon naman sa kanyang mga fans ang nagsabi na kamukha niya umano sa litrato si Sen. Manny.

“Pacquiao ikaw ba Yan?? 😂😂😂😂




Credit: @pooh_tik on Instagram

“Manalo matalo, Ikaw pa rin ang people’s champ.”

“Akala ko c Sen. Manny Pacquiao 😁 sorry Po ✌joke lang Po😁

The post Komedyanteng si Pooh, ibinahagi ang kanyang lumang litrato na nagbigay tuwa at kasiyahan sa mga netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments