Sofia Andres, ipinasilip ang kanyang Louis Vuitton themed birthday celebration

Sa tuwing sasapit ang araw ng ating kapanganakan o ang pagdiriwang ng ating kaarawan, ay hindi pwedeng walang selebrasyon na ating pinaghahandaan taon-taon. Kahit ito man ay simple o magarbong handaan, ay talagang gumagawa ng paraan ang karamihan upang mairaos ang espesyal na araw na ito ng ating buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, ang lahat ay ipinagdiriwang ang kaarawan sa loob ng tahanan kasama ang pamilya o ilan sa mga kaibigan, upang maging l!gtas ang bawat isa sa kumakalat na v!rus.

Para naman sa mga kilalang celebrity at showbiz personality, ang kanilang pamamaraan ng pagdiriwang ng kaarawan ay sa pamamagitan ng isang bonggang birthday photosh0ot.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Tulad na lamang ang aktres at celebrity mom na si Sofia Andres, na masayang sinalubong ang espesyal na araw na ito sa pamamagitan ng isang bonggang birthday photosh0ot.

Sa mga larawan na ibinahagi ng aktres sa Instagram, ay kanyang pinahanga ang mga fans sa kanyang Louis Vuitton theme na photoshoot. At sa mga litrato niyang ito ay talaga namang lumitaw ang pagiging blooming ni Sofia, magmula pa lamang sa kanyang napakagandang postura.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Magmula pa lamang sa kanyang suot na bob-cutblonde wig ay talaga namang mamangha ang sino man sa kanyang angking ganda, lalo na at sinamahan pa ito ng kanyang mamahaling Louis Vuitton na kasuotan.

Suot-suot ang isang romantic white blouse na may flared petal-shaped sleeves, at isang keyhole cutout na may design na Louis Vuitton’s signature flower logo, na tinernuhan apa ng kanyang damit ng isang Laidback monogram na trousers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Tila hindi man nagkaroon ng magarbong selebrasyon ay bawing-bawi naman sa kanyang naging photosh0ot, lalo na ang kanyang mamahaling OOTD na suot sa naturang larawan.

Sa espesyal na araw na ito ni Sofia, ay marami naman sa kilalang celebrities ang nagbigay ng pagbati sa kanyang ika-23rd na kaarawan. Ilan sa mga ito ay sina Elisse Joson, Sue Ramirez, Gabbi Garcia, Jessy Mendiola-Manzano, Lovi Poe, Ellen Adarna at marami pang iba.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_)


Hindi naman nagpahuli ang kanyang kasintahan na si Daniel Miranda, na ama ng kanilang anak na si Zoe ay nagpaabot rin ng isang maikli at puno ng pagmamahal na mensahe para sa kanyang kaarawan.

“Happy birthday Love, I love you”

The post Sofia Andres, ipinasilip ang kanyang Louis Vuitton themed birthday celebration appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments