Ivana Alawi, sinorpresa ang bunsong kapatid na si Mona na nagdiwang ng kanyang kaarawan

Si Mona Louise Rey o mas kilala bilang si Mona Alawi, ay ang bunso sa magkakapatid na Ivana, Hash at Amira. Kung ikaw ay isa sa mga taga hanga at taga subaybay ng Alawi Family, ay paniguradong madalas mong masilayan si Mona sa mga vlogs ng kanyang kapatid na aktres at sikat na vlogger na si Ivana.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Katulad ng kanyang Ate Ivana, ay marami rin ang sumusuporta sa kanya at humahanga sa kanyang pagiging natural at pagkakaroon ng busilak na kalooban kalakip ng kanyang angking kagandahan.

Kaya ngayon sa kanyang ika-17th na kaarawan, ay isang munting sorpresa ang inihanda nina Ivana, Hash at Mama [Fatima] Alawi para sa kanya. Sa latest vlog ng aktres noong August 23, ay kanilang ibinahagi ang naging preparasyon sa naganap na simpleng handaan para sa kapatid.




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa katunayan, ay ayaw umano ni Mona ang magarbong handaan at ninais na lamang na ito ay gawing simple basta kasama ang kanyang pamilya.

“Ayaw niya gumastos, mas gusto niyang ipamigay na lang sa inyo. Ayaw niya ng set-up.”


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

At kahit naging simple man ang handaan, ay tila bumawi naman sina Ivana, Hash, at Mama Alawi sa kanilang ibinigay na regalo para kay Mona. Ang bonggang regalo na ito na natanggap sa kanyang kaarawan, ay naglalaman lang naman ng isang PS5, baking mixer at isang air purifier na labis na ikinatuwa ni Mona.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Samantala, sa kalagitnaan ng kanilang masayang kwentuhan ay tila naging emosyonal naman ang Alawi Family, ng kanilang pag-usapan ang huling naging kalagayan ni Mona, dalawang linggo bago sumapit ang kanyang kaarawan.

“Akala ko nananaginip ako kasi nakikita ko ‘yung sarili ko tapos si mom nakayakap siya sa akin, pinipilit niya akong uminom ng sugar.”


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Pagbabahagi ni Mona, ay bumaba umano ang kanyang sugar level na nagresulta ng biglaang pagbagsak ng kanyang pangangatawan.

“Kasi wala kong control sa body ko noon like yung buto ko, hindi ko talaga magalaw kahit daliri ko. Tina-try kong gumalaw pero wala akong control over my body.”




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Sa kabila ng kanyang kar@mdaman, ang tanging dasal at kahilingan nina Ivana, Hash at Mama Alawi ay complete healing para sa kanya. At bilang ina kay Mona, ay hangad rin ni Mama Alawi na makahanap ang kanyang anak balang araw ng lalaking mag-aalaga at po-protekta sa kanya.

“Kapag maghahanap ka ng boyfriend mo sisiguraduhin mo ‘yung aalagaan ka.”

The post Ivana Alawi, sinorpresa ang bunsong kapatid na si Mona na nagdiwang ng kanyang kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments