Alexa Ilacad, masayang ibinahagi na siya ay magtatapos na sa kolehiyo bilang Dean’s Lister

Pinatunayan ng Kapamilya at dating Goin Bulilit star na si Alexa Ilacad, na siya ay hindi lamang mahusay na aktres kundi isa rin siyang achiever sa harap at likod ng kamera. At pinatunayan niya ito ng kanyang i-anunsyo sa publiko na siya ay ga-graduate na sa kolehiyo.


Credit: @alexailacad on Instagram

Sa Instagram post ni Alexa ay kaniyang ibinahagi na siya ay magtatapos na sa kursong Marketing, sa Treston International College School of Business and Technology. Sa larawan ay makikitang suot-suot ng aktres ang kanyang uniform, at ang tila mas nakakabilib pa rito ay magtatapos si Alexa bilang Dean’s Lister na may GWA o General Weighted Average na flat 1.0.




Talaga nga namang nakakabilib ang husay ng aktres bilang isang matalinong estudyante, kaya hindi mapaglagyan ang kanyang tuwa na sa wakas siya ay ga-gradute na sa kolehiyo. Aniya, “Last hoorah for my last term in college 🥰🙏🏻 I am over the moon as I type this right now but finally… I AM GRADUATING! 🎉🤍 Despite all the obstacles thrown my way, I was determined to finish strong. 😊 I came, I studied, I conquered! 😂


Credit: @alexailacad on Instagram

Aminado si Alexa na hindi naging madali para sa kanya na pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral. At inamin niyang dumating sya sa punto na kung saan ay, “lagi ako umi!yak. Breakdown, mental breakdown it was really hard talaga.”

“It was very hard, challenge talaga siya sa akin noon na kinailangan kong pagsabay-sabayin lahat. Hindi siya madali at all, pero happy naman ako kasi nalagpasan and worth it. And totoo nga na kapag gusto mo talaga, gagawan mo ng paraan.”


Credit: @alexailacad on Instagram

Ganunpaman, ay malaki ang naging paniniwala noon ni Alexa na kanyang malalagpasan ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan, upang marating ang ganito kalaking biyaya na dumating sa kanya ngayon ang masayang pagtatapos sa kolehiyo.




Credit: @alexailacad on Instagram

“Pinaka-important kasi sa akin is to finish school, college. So, sabi ko, ayaw ko mag-stop. Choice ko talaga ‘yun, it doesn’t matter kung mahirapan.”

The post Alexa Ilacad, masayang ibinahagi na siya ay magtatapos na sa kolehiyo bilang Dean’s Lister appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments