Blooming Mommy na si Nikki Gil, masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-34 na kaarawan kasama ang kanyang pamilya

Isa sa mahahalagang araw ng bawat isa ay ang pagdiriwang ng ating kapanganakan. Ang bawat pagdiriwang ng kaarawan ay mas lalo nagiging espesyal, kung iyong kasama ang mga mahahalagang tao sa iyong buhay.


Credit: @nikkigil on Instagram

Hindi alintana ang magarbo o simpleng selebrasyon at handaan, dahil kahit sa anong paraan, makasama lang ang pamilya at mga kaibigan ay isa ng natatanging regalo para sa celebrant.

Tulad na lamang ng aktres at singer na si Nikki Gil, na masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-34 na kaarawan noong August 23.




Credit: @nikkigil on Instagram

Marami sa atin na ipinagdiwang ang mga kaarawan habang naka-quarantine, kaya naman kahit naka MECQ ang buong NCR ay hindi naman naging hadlang ito upang maipagdiwang ni Nikki ang kanyang kaarawan.

Sa katunayan pa nga, ay masaya ang celebrity mom na naipagdiwang niya muli ang espesyal na araw na ito kasama ang dalawang lalaki sa kanyang buhay, ang kanyang asawa na si BJ Albert at ang kanilang panganay na si Finn.


Credit: @nikkigil on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ni Nikki sa kanyang Instagram, ay makikita ang kanilang simple at masayang selebrasyon sa bahay. Mapapansin sa kanyang inilagay na caption, ang mga naging highlights sa kanyang kaarawan, kalakip ang masayang litrato ng kanilang pamilya.

Ayon pa kay Nikki, ay nakatanggap sya umano ng 8 deliveries mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Kasabay rin nito ang kanilang mga handang pagkain, tulad na lamang ng pizza at sugarfree cake.


Credit: @nikkigil on Instagram

Samantala, tila mas lalo pang naging espesyal ang kanyang kaarawan, dahil kahit hindi pa man niya naisisilang ang kanilang 2nd baby ay labis na ang tuwang naramdaman ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


“Quietest birthday ever, but feeling infinitely loved. Thank You God for your grace.”

At sa kanilang masayang selebrasyon na ito, ay marami naman sa kanyang mga kaibigan at mga celebrities ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa kaarawan ng aktres.




Credit: @nikkigil on Instagram

Ilan sa kanila ay sina Erich Gonzales, Liz Uy, Rayver Cruz, Ciara Sotto, Shaina Magdayao at marami pang iba. Bukod pa rito ay nagpaabot rin ng pagbati ang ilan sa kanyang mga tagahanga.

The post Blooming Mommy na si Nikki Gil, masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-34 na kaarawan kasama ang kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments