Assunta De Rossi, masayang ipinagdiwang ang ika-10 months old ng kanyang anak na si baby Fiore

Marinig pa lamang ang salitang “pagsuk0” ay nangangahulugan na agad ito ng pagtigil sa mga bagay na ating ginagawa, at mga pangarap na walang kasiguraduhan sa kung ano ang magiging kahihinatnan. Marahil para sa iba ang pagsuk0 ang siyang tanging paraan, ngunit para sa aktres na si Assunta De Rossi ang paniniwala at pananampalataya ang kanyang naging sandigan.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Halos kamakailan lamang nang ibinahagi ng aktres ang pagkakaroon nila ng anak ni Jules Ledesma. At mula pa lamang sa kanyang pagbubuntis noon, hanggang sa kaniyang maisilang ang kanilang miracle baby na si Giulia Fiorentina Alessandra o si Baby Fiore ay saksi na ang publiko sa bawat milestone nito.

Kaya naman hindi maalis ang labis na kagalakan ng kanilang mga puso sa pagdating ng kanilang anak, lalo na ngayon na ito ay nagdiriwang na ng kaniyang ika-10 months old.




Credit: @msderossi on Instagram

Napakabilis man ng panahon, ngunit hindi naman dito natigil ang pagbibigay nina Assunta ng kanilang buong pagmamahal para kay Baby Fiore. Lalo na at umaapaw rin ang pagmamahal na natatanggap nito sa kanyang tiyahin na si Alessanda de Rossi, na kapatid ring aktres ni Assunta.

Tila bukod sa mag-asawa ay isa rin sa nagbibigay kulay sa buhay ngayon ni Alessandra, ay ang kanyang napaka-cute na pamangkin na siyang itinuturing na rin niya bilang kanyang sariling anak.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Madalas ngang masilayan ng mga netizens sa kanyang Instagram account ang pagiging supportive at loving Tita nito kay Baby Fiore, magmula pa lamang sa mga litrato at videos nito na siyang makikita ang bawat komento at reaksyon ng aktres sa mga post.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

At ngayon sa ika-10 months old ni Baby Fiore, ay ibinahagi rin ni Alessandra sa kanyang Instagram ang cute na litrato ng kanyang pamangkin. Makikita sa kanyang post na nakasuot ng isang blue dress si Baby Fiore, habang hawak-hawak naman nito ang isang signage na may nakalagay na “I am 10 months old”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)


“10 months of quarantine for Fioringning! We love you #fiorever”

Kalakip ng kanyang post, ay ibinahagi rin ni Assunta ang cute na litratong ito ng kanyang anak na may caption na, “Hello! Today, I turned 10 months old!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


Tila masayang double celebration ang kanilang ginawa dahil bukod sa ika-10 months ni Baby Fiore, ay siya ring kaarawan mismo ng ina nina Assunta at Alessandra.




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Taong 2004 nang ikasal ang mag-asawang Assunta at Jules. At Oktubre 23, 2020, nang isilang naman ng aktres ang kanilang miracle baby na si Baby Fiore.

The post Assunta De Rossi, masayang ipinagdiwang ang ika-10 months old ng kanyang anak na si baby Fiore appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments