Ina Raymundo, ipinasilip ang bagong disenyo ng kanilang modern rustic na bahay ng kanyang pamilya

Kung pagandahan at pas3ksihan lang rin naman ang pag-uusapan, tiyak nangunguna at hindi magpapahuli sa listahan ang celebrity mom na si Ina Raymundo.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Simula pa lamang nang kanyang pasukin ang mundo ng showbiz, ay nakitaan na agad ng publiko si Ina ng husay at galing pagdating sa pag-arte. At ang kanyang balingkinitan at magandang pangangatawan, ang isa rin sa kanyang naging puhunan mula sa mga roles na kanyang ginampanan.

At ngayon sa kabila ng kanyang pagiging isang ina sa lima niyang mga anak na sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika at Minka, bilang isang magulang ay tungkulin rin nila ng kanyang asawang si Brian Poturnak, na mabigyan ng isang maayos at komportableng bahay ang kanilang mga anak.




Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Aminado noon ang aktres na ang kanilang bahay ay nagmistulang playground, sports center, tila pati rin ang kanilang living room ay naging isa ring art room. Ngunit ayon sa aktres, “I allowed them to do whatever they wanted at home. They turned our living room into an art room, playground, a sports center, etc…because I wanted them to have fun.”


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

At dahil bahagi ng buhay ng bawat isa na darating sa punto na ang mga anak ay magbibinata at magdadalaga, ay dumating na ang panahon na kung saan ang kanilang bahay na dating art room, ngayon ay isa ng modern rustic home.

Kaya naman kahapon ay masayang-masaya si Ina ng kanyang ipasilip sa publiko ang bagong ayos at disenyo ng kanilang munting tahanan. Sa Instagram post ng aktres, ay makikita ang isang short video clip na kung saan ay makikita ang kanilang magandang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Pagpasok pa lamang sa kanilang munting tahanan, ay bubungad na sayo ang kanilang Den area na may malaking flat TV screen at isang sofa, na syang perfect rin para sa mga gustong mag-relax at ma-enjoy sa panonood ng mga paboritong pelikula at teleserye.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Katapat ng kanilang living room, ay makikita naman ang kanilang dining area na unang mapapansin agad ang kanilang mahabang wooden dining table. At kalakip ng kanilang dining area ay katabi naman nito ang kanilang kitchen, na halos ilang hakbang lang ang bibilangin ay siyang magtutungo naman sa’yo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

At kung ang hanap mo naman ay magandang spot para sa masaya at mahabang kwentuhan ng inyong pamilya at mga kaibigan, tiyak na ma-eenjoy mo rin ang kanilang magandang living room na siyang makikita ang nature view sa labas ng kanilang tahanan.

Samantala, labis naman ang tuwa ng kanyang mga fans at hindi napigilan na magbigay ng komento at mamangha sa magandang tahanan na ito ng aktres.




Credit: @inaraymundo95 on Instagram

“I love the design… its refreshing Ina. goodvibes❤

“Such a lovely and peaceful house🥰❤🥰 👏👏👏

The post Ina Raymundo, ipinasilip ang bagong disenyo ng kanilang modern rustic na bahay ng kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments