Kathryn Bernardo, masayang ipinasilip sa publiko ang kanyang malawak at bonggang Studio

Sa unang pagkakataon, ipinasilip ni Kathryn Bernardo ang kanyang malawak at bonggang studio na matagal ng request ng kanyang mga fans.

Matatandaan na ang studio na ito ni Kathryn ay niregalo mismo ng kanyang ina na si Mommy Min, bilang regalo sa kanyang ika-25 na kaarawan noong March 26. At dahil na-excite sya sa sorpresang regalo na ito, ay masayang ibinahagi ni Kathryn sa publiko ang kanyang studio.


Credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa kanyang studio ay bubungad na agad ang kanilang Gazebo, na mararamdaman na agad ang hatid nitong nature vibes, dahil sa mga luntiang halaman na nakapaligid rito. Kalapit naman nito ay ang kanilang receiving area, na syang makikita ang makulay at maliwanag na TGIS na syang madalas na makita sa kanyang mga vlogs.




Credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

At kung ang hanap mo naman ay makapag-relax panandalian at makipagkwentuhan sa iyong mga kasama at kaibigan, tiyak ang kanilang conference room ang siyang bagay para sa’yo.

Dahil bukod sa eleganteng disenyo nito ay makikita rin ang pagkaperpekto at kumpleto ng lugar, na sinamahan pa ng mga mahabang lamesa at isang flat TV screen na siyang perfect naman sa mga meetings.


Credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

At pagkalabas sa conference room, ay bubungad naman ang kanilang napakalawak na main studio, na may mataas na ceiling at French doors, na kung saan ay dito na magaganap ang mga naturang photosh0ot, commercials, pictorials at mga special events.


Credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Bukod pa diyan, ay sunod naman na ipinakita ni Kathryn ay ang kanilang dressing room at make up area, na siyang makikita ang pagkaaliwalas ng lugar at makikitang mayroon rin itong sariling CR na may bathtub, para sa mga artist na gustong maligo bago o matapos ang naturang event.


Credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

Ipinakita rin ng aktres ang mga restrooms para sa mga VIP at staff and crew, na siyang matatagpuan sa kanilang mismong parking area.

Sa napakaganda at bonggang studio na ito ni Kathryn, ay malaki ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang ina, dahil ayon sa kanya ay ito na raw ang kanyang nagsilbing “second home” at tambayan na rin.

“This is like my second home simula nung ginift sa ‘kin ni Mama ‘tong studio na ‘to, so I’m really, really happy.”




Credit: Kathryn Bernardo Youtube Channel

“Thank you talaga to my mama for this idea. Ang saya kasi siyempre kapag sa bahay, sometimes you want to go out, but you want the place to be safe and anytime pwede. So parang ito na ‘yung extended tambayan place namin.”

Ang studio na ito ng aktres ay fully operational na at bukas na sa mga may nais na ganapin ang kanilang mga special events at photosh0ot.

The post Kathryn Bernardo, masayang ipinasilip sa publiko ang kanyang malawak at bonggang Studio appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments